Tuesday, August 31, 2021

Jamill, Hinahabol na Ngayon ng BIR; Nagbenta na rin ng Kanilang Mga Ari-Arian!


Kamakailan lang ay ang trending ang isa sa mga sikat na vloggers na kilala sa tambalang Jamill dahil sa kontrobersyal na umano'y pagbubura nila ni Jayzam Manabat at Camille Trinidad sa kanilang YouTube channel na mayroon ng milyon-milyong subscribers.

Panibagong balita na naman ang umuugong ngayon sa social media tungkol sa isang kumakalat na statement ng Bureau of Investigation (BIR) na sinasabing may hinahabol silang couple dahil hindi na nagbabayad ng tax at binura na rin umano ang YouTube channel nito.

Ayon sa BIR, ang couple na nag delete ng kanilang YouTube channel na kanilang patuloy na iniimbestigahan ay kumita raw umano ng Php 50 milyon hanggang Php 100 milyon. 

Ngunit, ayon sa naging pahayag ng BIR, binura ng couple ang kanilang mga social media accounts para maiwasan ang pagbabayad ng tax.

Maraming mga netizen ang nagbigay agad ng kanilang mga espekulasyon na ang couple YouTube vloggers na sina Camille at Jayzam ang tinutukoy ng BIR.

Maalala noon, ang couple na Jamill ay nagbura na ng kanilang YouTube account nitong nakaraang Linggo lamang. At sa kasalukuyan, hindi pa kinumpirma ng BIR ang resulta ng imbestigasyon nito,  patuloy pa ring pinag-uusapan ang kontrobersyal na pagbebenta ng couple sa kanilang mansion.


Mainit na pinag-uusapan ang mansion ng Jamill sa Tarlac na kamakailan lang ay nag trending din sa Facebook matapos may isang seller na nagbebenta ng properties online at sa kanyang post, kasama ang mansion ng Jamill.

Namataan ng mga netizen ang napaka pamilyar na mansion na kasama sa pinost ng nasabing seller. "HOUSE AND LOT FOR SALE… TOTOO PONG BINEBENTA, WALA PONG HALONG BIRO," saad ng nagbebenta ng mansion sa kanyang online post.

Marami ang mga nakakilala sa bahay na ito dahil ilang ulit na itong nai-feature sa kanilang mga YouTube vlogs. Dito kadalasan ang setting ng kanilang mga prank videos.

Kahit pa man ayaw maniwala ng mga fans ng nasabing couple YouTube vloggers, malinaw naman ito sa naging caption ng mismong seller na si Rhona Pineda Nilo na walang halong biro ang pagbebenta ng nasabing mansion. 


Dagdag pa nito, nakasaad na rin dito ang eksaktong lokasyon ng mansion ng Jamill--- Greenwoods Subdivision, Brgy. Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija.

Dahil sa kaganapang ito, marami ang labis na na- intriga sa pagbebenta umano ng Jamill ng kanilang mansion. Marami ang nahinayangan sa nasagap nilang balita. Gayunpaman, kung magkataon na mabenta agad ang bahay, marami ang nagsabi na malaki laking presyo din ito at tiyak na maaari na nilang mabayaran ang kanilang nasabing 'utang' umano sa BIR kung sila man tinutukoy nito.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment