Friday, August 27, 2021

Jonahrenz Jacob, Binatikos Matapos Sabihing Wala Naman Daw Pera ang Hiphop!


Hindi nagustuhan ng marami ang ibinahaging opinyon kamakailan lang ng vlogger na si Jonahrenz Jacob tungkol sa industriya ng Hiphop. Dito, ikinagalit ng marami ang ginawang pang-iinsulto umano ni Jonahrenz sa Hiphop at sa mga Hiphop artists na rin.

Ayon kasi kay Jonahrenz, wala umanong nakukuhang pera sa kultura ng hiphop. Ani nito,

“PURO KAYO KULTURA NG HIPHOP? EH WALA NAMAN KAYONG MGA PERA! OWSHIII!!!”

Agad naman na naging trending ang opinyong ito ng vlogger at umani ng mga pambabatikos mula sa mga netizen. Bago ito ay nagbahagi si Jonahrenz ng isang video kung saan, makikita ang pagra-rap ng vlogger.

Bagama’t nakatanggap din naman ito ng mga positibong komento mula sa video, marami rin ang hindi nagustuhan ang kanyang pagra-rap at nag-iwan ng mga negatibong reaksyon. 

Kaya naman, sa pagbabahagi ni Jonahrenz ng mapangahas na opinyong ito tungkol sa kultura ng hiphop, mas dumami pa ang mga pambabatikos na kanyang natanggap. Ani ng mga ito kay Jonahrenz, wala nga raw pera sa hiphop ngunit, hindi umano nito matutumbasan ang talento ng mga taong gumagawa nito.

Nakaabot na rin maging sa kilalang Hiphop artist na si Rich Flo ang pahayag na ito ni Jonahrenz. Sa isang video na pinost nito sa Facebook kung saan nakapaloob ang animo’y sagot niya sa opinyon ni Jonahrenz, isang mensahe ang ipinaabot ni Rich Flo para sa vlogger na anito ay isa umanong “hipokrito” at “sumisiksik sa kulturang Hiphop”.

“Nakakatuwa na galing pa talaga sayo ‘yang mga salitang yan…Sana kaya mong panindigan… Consider this DISS TRACK as a CALL OUT kung talagang kaya mo panindigan ‘yang pagiging hipokrito mo at pakikisiksikk mo sa KULTURANG HIPHOP na minamahal namin.


“IYO NA 'YANG PERA mo HIJO.. Di ko alam kung kaya bumili n’yan ng RESPETO,” saad pa nga ni Rich Flo para kay Jonahrenz.

Samantala, heto nga ang ilan pa sa mga opinyon o reaksyon naman na ibinahagi ng mga netizen tungkol pa rin sa umano’y pangmamaliit ni Jonahrenz sa kultura ng hiphop.

“Nakalimutan ang respeto. Nabulag na sa pera! Paalala. Hindi nabibili ang respeto ng pera!”

“Di mo alam pinaghirapan ng mga old school at new school para makilala at umusbong ang kultura ng hiphop sa Pinas. Di baleng hindi masyadong mapera basta masaya ka sa ginagawa mo sa buhay ng hiphop. Ok na ok na ‘yun!”

“May pera ka nga pero mas mukha pang tao ‘yung nasa pera kaysa sayo. Ang itsura nababago ‘yan, pero ‘yung sa'yong ugali pati itsura hindi na mababago. Pangit pa rin!”

“Real talk naman siya, kaso, nakalimutan ang mabuting asal. Di kailanman naging batayan ang pera sa musika. Ang tunay na batayan ay ang mabuting asal… “


“‘Yung pera, madadala mo ‘yan ngayong buhay ka pa. ‘Yung kultura, tatatak ‘yan kahit na wala ka na.”

Maliban sa pagiging isang vlogger, si Jonahrenz ay ang leader din ng Brusko Bros. Sa kasalukuyan, ang YouTube channel nito na ‘jonahrenz jacob’ ay mayroon nang mahigit sa 2.49 milyong subscribers at humahakot ng milyon-milyon ding views.

Ngunit, dahil sa ibinahagi nitong opinyon, marami ang nagbanta at nagsabing i-uunsubscribe na umano nila ang YouTube channel nito.

Source: dailyhotspot


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment