Friday, August 27, 2021

BASAHIN: Ang Babala ng Isang Ina na Biglang Namatayan ng Anak sa Halos Hindi Maipaliwanag na Dahilan


Naghihinagpis at nagluluksa ngayon ang ang inang si Diane para sa biglaang pagpanaw ng anak nito. Hindi nito inaasahan na sa ganito lamang mauuwi ang lahat dahil ani nito, wala naman umanong nangyaring malala o masama na maaaring maging sanhi ng pagpanaw ng kanyang anak.

Ayon kay Diane, malusog umano ang anak nito at walang anumang iniinda. Maliban na lamang siguro sa nangyaring pagkahulog nito sa kama ngunit, ayon sa ina ay makulit at malusog pa rin naman umano ang anak nito. Wala itong nakitang malalang epekto sa anak at bumalik lang naman umano sa dati ang kakulitan ng bata.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang umanong sumubsob ang bata habang nagmamaneho ito. Ito na ang huling beses na nakasama niyang buhay ang anak dahil napakasakit na ng mga sumunod na nangyari. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Diane ang nakakalungkot at napakasakit na pangyayaring ito.

“Kaya kayo, ingatan niyo mga anak niyo. Naliligo lang ako nung nangyari na nahulog siya sa bed; wala siyang ibang dinaing, Makulit pa din sya. Until kanina, nung papunta kami drive thru, kala ko inaantok lang sya. Pinigilan ko pa dahil ayoko masira tulog niya. Bigla sumubsob siya sa kambyo ko, hindi na makahinga at nagtwist na ng kanya ang kamay nya…


“Sobrang sakit. Hindi ito ang nakikita ko. Nagpaplano kami sa magandang birthday hindi para sa magandang burol,” ani pa ng naghihinagpis na si Diane.

Ayon umano sa paliwanag ng doktor sa kanya, posible talaga umanong mangyari ang ganitong sitwasyon. Minsan, kalmado lamang umano at hindi nakikita sa panlabas ngunit, sa loob ng katawan o ulo ng bata ay mayroon na palang nangyayari. Ito umano ang naging sanhi ng pagkamatay ng anak nito kaya biglaan at wala ito halos napansin sa bata.

Kaya naman, sa kabila ng pagluluksa, ayaw ni Diane na mangyari sa ibang mga nanay o magulang ang nangyari sa kanya. Sa pamamagitan ng kanyang post ay binigyang babala niya ang mga ito na upang maiwasan ang naturang trahedya ay gawan agad ng paraan at gawin ang makakaya upang huwag pagdaanan ng mga ito ang pinagdadaanan ni Diane.



“Two days lang simula nung nahulog siya sa bed. Malusog siya, nothing unusual happens, basta bigla na lang siya tumirik. Kung may kapareho pong case na nangyari same as mine, please lang po, gawin kaagad ang makakaya…

“Mahirap magsisi sa huli. Ayoko na may isa pang ama o ina na mararamdaman ang pinagdadaanan ko ngayon… Para kay baby Arkie ko, please po gawin niyo po ang hindi ko nagawa before it's too late,” payo pa ni Diane.

Mahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na mawalan ng anak. Ngunit, mas mahirap marahil na mawalan ng anak nang hindi inaasahan. Masakit isipin na hindi na matutupad pa ang mga pangarap mo para rito. Kaya naman, ganoon na lamang ang pagluluksa at pagdadalamhati na nararamdaman ni Diane.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 70,000 lang naman ang naaaning reaksyon ng Facebook post na ito ni Diane. Karamihan sa mga komentong ibinahagi rito ng mga netizens ay pakikiramay para sa naulilang ina.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment