Monday, August 16, 2021

Lalaki, Pinagsabay-Sabay ang 30 Girlfriends Gamit Ang Mga Dating Apps!


Hindi inakala ni Liezl Chu na sa pagbabahagi niya ng kanyang karanasan tungkol sa kanyang ex-boyfriend sa pamamagitan ng isang TikTok video ay isang nakakagulat na rebelasyon ang kanyang malalaman.

Dahil dito kasi kaya niya natuklasan na hindi lang pala siya ang naloko ng naturang lalaki. Hindi isa, hindi dalawa, at hindi rin tatlo dahil 30 umano silang babae na niloko ng iisang lalaking ito. Ang mas malala pa umano ay pinagsabay-sabay silang lahat ng nasabing lalaki. Ibig sabihin, sabay-sabay pala nila itong nakarelasyon.

“Nu’ng month namin, ina-alternate pala niya. So kunyari this day, then tomorrow, then ako,” pagbabahagi pa ni Liezl tungkol dito.

Karamihan umano sa kanila na mga babae ay nakilala ang kanilang ex sa pamamagitan ng mga dating app. Samantala, ang unang babae umano na nagmessage sa kanya upang ipaalam na ito rin ay naloko ng parehong lalaki ay si Patricia Gonzales.

Matapos nito ay ikinagulat na lamang ni Liezl na sunod-sunod na mga mensahe pa ang kanyang natanggap mula sa iba’t-ibang babae. Kaya naman, upang tulungan ang isa’t-isa na maghilom sa sugat na iniwan ng pakikipagrelasyon nila sa naturang lalaki, gumawa ang mga ito ng isang group chat.

“Ang intensyon ng group chat is ma-validate ‘yung feelings namin. Si guy nga magaling siya mag manipulate, baka akala nila nung time na ‘yun baka sila ‘yung nag-crazy. The fact na marami palang babae ‘yung nag-speak up tapos pare-parehas ng experience, nakakalakas ng loob,” ani pa ulit ni Liezl.


Naging magkakaibigan umano ang mga ito sa kabila ng mapait nilang pinagdaanan sa iisang lalaki. Ayon pa nga kay Patricia, malaki umano ang naitulong sa kanya ng pakikipag-usap kina Liezl dahil hindi gaya noong una na kinwestyon nito ang kanyang sarili, nagkaroon siya ng tinatawag na support group.

Pahayag pa nga ni Patricia tungkol dito:

“Ang nauna kong naisip was bakit? Ano ‘yung hindi ko naibigay. Ano ‘yung mali sa akin, ano ‘yung kulang, diba? So having that support group or having that group chat na parang nakakampante ako na, okay, wala akong ginawang mali, wala akong ginawang kulang, walang mali sa akin.”

Kabilang din sa mga babaeng ito na naloko at naging kaibigan nina Liezl at Patricia ay si Angela Deang. Ayon kay Angela, ang pagkakaibigan umano ang naisip nilang paraan para matulungan ang isa’t-isa. 

“One is support sa amin, sa aming mga babae na naloko niya. I wanted to know what happened to the girls. Kung ano ‘yung ginawa niya, kung pare-parehas ba kamig ng sitwasyon. Kumbaga, it’s a form of how you can help each other din,” ani pa nito.

Ayon naman kay Liezl, maliban sa pagbibigay ng ‘awareness’ at babala na rin tungkol sa ginawa sa kanila ng kanilang iisang ex, ang pagbabahagi ng kanilang kwento ay maari din umanong magsilbing leksyon para sa mga babae na mag-ingat sa mga ganoong klase ng lalaki.


Mayroon namang mensahe para sa magkakaibigang ito ang Family and Relationship Consultant na si Aiza Caparas-Taboboyong. Payo niya para sa mga kababaehang ito,

“Hopefully, you don’t fan, --- hindi natin pinapalaki ‘yung pain ng bawat isa. Pero tinutulungan natin ‘yung bawat isa na mas mabilis na maghilom ng kaagad and to pick up the lessons. So, empower each other.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment