Sa likod ng bibo at nakakaaliw na personalidad ng viral online seller na si Daisy Cabantog, o mas kilala bilang si Madam Inutz, ay ang buhay na pilit niyang inaahon at ang mga pangarap na pilit niyang inaabot.
Kaya naman, kamakailan lang ay isang malaking biyaya ang natanggap ni Daisy mula sa philanthropist at vlogger na si Wilbert Tolentino, o kilala rin bilang si Sir Wil. Si Sir Wil ay ang dating Mr. Gay World Philippines 2009 na naging isang businessman at philanthropist.
Bilang tulong kay Daisy, binigyan lang naman ito ni Sir Wil ng Php200,000. Sa vlog na ibinahagi nito, kasama ni Sir Wil sa pagpunta kay Daisy si Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl. Bago ito, una na ring nakatanggap si Herlene ng Php100,000 mula kay Sir Wil na talaga naman ipinagpasalamat nito ng malaki.
Personal na pinuntahan ng mga ito si Daisy sa kanilang bahay kung saan, nakilala rin nina Sir Wil at Herlene ang pamilya ng viral online seller. Dito, nakilala nila ang nanay ni Daisy na ilang taon nang bedridden o hindi na nakakalakad. Hindi nito napigilang mapaiyak dahil tagahanga pala ito ni Herlene na napapanood nito noon madalas sa telebisyon.
Maliban sa pagsuporta sa medikasyon ng kanyang nanay, mag-isa ring itinataguyod ni Daisy ang tatlo nitong anak. Sa pagiging online seller niya rin kinukuha ang ipon para makabili na umano siya ng kahit maliit lamang na lupain para sa kanila.
Kaya naman, hindi na napigilan pa ni Daisy ang maiyak nang iabot sa kanya ni Sir Wil ang perang tulong nito para sa kanya. Una ritong inabot ng vlogger ang Php100,000 na para umano sa medikasyon ng kanyang nanay. Ang sumunod na Php100,000 naman ay para umano sa pagsisimula o pandagdag sa negosyo ni Daisy.
Naiyak na lamang ang online seller sa sobrang tuwa nang matanggap ang napakalaking halaga ng pera. Maging si Herlene ay hindi rin napigilan na mapaiyak dahil sa sobrang saya para kay Daisy. Pareho namang nagpasalamat ang mga ito sa vlogger na napakabuti ng puso para magbigay ng tulong.
“Kahit maubos lahat ‘yung mga dating meron ako, basta buhay nanay ko,” ani pa nga ni Daisy.
Bilang isang single mom ng tatlong anak, sumusuporta sa nanay na bedridden, at umuupa pa sa dalawang bahay, napakalaking tulong ng naturang pera kay Daisy. Ayon naman kay Sir Wil, patuloy niya pa raw na susuportahan si Daisy lalo na sa online business nito at sa pagpapagamot sa kanyang nanay.
Samantala, matapos ang kanyang pagsikat o pagvi-viral, malaki ang pasasalamat ni Daisy dahil nakilala ito kaya naman habang malakas ang kita, puspusan din ang kanyang pag-iipon ng pera. Ayaw nito na sayangin ang pagkakataon na mabilis na makaipon at makabili ng kahit maliit lamang lupain.
Ani nito, dahil nangungupahan lamang ay pangarap ni Daisy na magkaroon ng sariling bahay. Kahit mahirap ang buhay at hindi palagi na maayos ang kita nito sa pagiging online seller, aabutin ito ni Daisy at pilit na magsisikap para sa kanyang pamilya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment