Wednesday, September 15, 2021

Dalagita, Inakalang Walang Wala na Talaga Siya, Ngunit May Biglang Biyaya; ‘Ten-Peso Coin Story’ na Kapupulutan ng Gintong Aral


Ang buhay ng isang tao ay maituturing na isang mahabang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito, marami tayong makakasalubong na mga pagsubok sa buhay na siyang dahilan na unti-unti tayong mawawalan ng pag-asa. Ngunit, gayunpaman, sa bawat pagsubok na ating kinakaharap, hindi rin mawawala ang pag-asa na balang araw, muli nating masilayan ang sikat ng araw.

Kagaya na lamang ng isang nakaka-inspire na kwento na inakda ni Joan Soliman na ibinahagi sa social media ni Mia Ria na umantig sa puso ng maraming mga netizens. Sa post na ito, ibinahagi rito na kung mayroon kang pananalig at tiwala sa Poong Maykapal, anumang pagsubok ay tiyak mong malalagpasan.

Ito ay isang kwento na may mga pagkakataon talaga na nakakaranas tayo na walang-wala na tayo sa buhay, ngunit totoong mabait ang Diyos sa atin dahil may bigla na lang na darating sa ating buhay na nag-uumapaw ang balik sa kabutihan na ating nagawa. 

Patuloy rin ang blessings na darating sa iyo, kapag busilak ang iyong puso at handang magbigay sa kahit na sino ang nangangailangan sa anumang kondisyon.

Ang kwentong ito ay punong puno ng aral at talagang makapagbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga makakabasa nito. Alamin natin sa akda na ito na kung paano siya gumawa ng kabutihan at kumapit sa pag-asang magdadala sa kanya ng isang napakagandang biyaya.

Ang kwento ay pinamagatang “Ten-Peso Coin Story.”

“Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umattend kami ng nanay ko sa church tapos ang laman ng bulsa ko 10 pesos, tapos si mama walang wala din talaga as in 0.

Umattend kami ng nanay ko ng Sunday service na hindi nag-aalmusal at kumakalam ang sikmura, kaya hindi ko mabili ng almusal dahil may fear ako na pag naubos yung 10 pesos, di kami makapag tanghalian at hapunan. Plano ko kasi ibili ng itlog ng tanghali saka itlog ulit sa gabi tapos paghahatian namin ni mama. Yung mga sumunod na araw, hindi ko na alam kung paano kami.


Habang nasa church, pumwesto yung nanay ko sa may bandang likod kung saan magkakasama yung mga kananayan. Tapos ako sa may bandang unahan, as usual kasi part ako ng music team and sa unahan din yung youth group.

Di ko makakalimutan, na kapag naalala ko yung kabutihan ni Lord sa buhay ko, tumutulo parin luha ko hanggang ngayon.

Yung scenario is, tumugtog na yung pang TITHES AND OFFERING na music. Sa church kasi namin dati yung nasa box nasa unahan ng altar, so talagang pupunta ka dun para maghulog ng tithes and offering mo kay Lord. Hindi ako pumapalya kahit baon ko sa school naghuhulog ako doon, pero ito iba dahil 10 pesos coin na lang ang meron ako.

Habang naglalapitan yung mga tao, lumingon ako sa likod at tiningnan yung nanay ko, napatingin siya saken tapos ngumiti. Ang ginawa ko, nag decision ko na ilagay yung huling pera namin sa tithes and offering. Pumunta ako sa harap, yung saradong sarado yung palad ko kasi at some point nahihiya ako kay Lord na 10 pesos lang yung nakayanan ko. As in saradong sarado yung palad ko. 

Natapos na yung service ng church, inalok kami nila Pastor Dario (Hope Church Pastor in Taytay Rizal) na doon na kami mananghalian. Ang matindi may pa sopas pa right after ng service so naihabol namin ng nanay ko yung gutom nung pang almusal at nakapag lunch pa. 

Ang matindi, pag uwi namin ni Mama, nag aantay yung bestfriend niya na galing abroad at kakauwi lang ng Pinas. May dalang mga pasalubong, mga de lata, chocolates at kung ano ano pa. Yung pinaka malupit nagbigay sa nanay ko ng limang libo (5,000) as a gift at ibili ng gusto.

Pumunta ko sa kwarto ng di alam ng nanay ko at doon ako umiyak ng sobra sobra. Dahil alam ko na ginamit ni Lord yung kaibigan ng nanay ko para mag provide sa aming ng panahong 0 na talaga.


Dun ko napatunayan na may MIRACLE.

I share this story of my life to inspire people na, ngayong pandemic na kinakaharap natin, ngayon tayo mas kailangan maging matatag sa FAITH natin  kay Lord. We have a BIG GOD. Kaya kailangan natin BIG FAITH ang meron tayo sa kanya.

Mula ng mangyari sa buhay ko, hindi na ako natakot maka experience ng mga challenges. Every challenges na kinakaharap ko, lagi ko tinatanim sa isip ko na may PURPOSE/REASON ang LAHAT. At kung ano man yon, si Lord lang nakakaalam. Kaya mula noon hanggang ngayon pinahahalagahan ko yung blessing na binibigay Niya sa akin and I make sure to PAY IT FORWARD.

Truly FAITH SHOULD BE BIGGER THAN OUR FEAR. ALL PRAISE AND GLORY TO GOD ALONE! Amen.”

Sa kwentong ito, makikita natin na sa bawat pagsubok na ating kinakaharap, hindi tayo dapat mawalan agad ng pag-asa. Ang mga pagsubok sa buhay ay isa sa mga instrumento na pinapatatag pa tayo. 

Pinapatunayan lamang, ang ating pananalig ay ang nagbibigay sa ating ng lakas, determinasyon at pag-asa. Kailanman, hindi tayo pababayaan ng ating pananalig sa Diyos.

Source: readerchannel

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment