Walang kamalay-malay ang 66 taong gulang na Ginang na ito sa Negros Occidental na siya pala ang magiging bride nang araw na dumalo ito sa isang kasal bilang ninang lamang sana.
Inakala ni Nanay Elizabeth Arrey na ninang lamang ito sa kasal ng kaibigan ng kanyang anak sa Talisay City, Negros Occidental ngunit, ang dinaluhan niya palang okasyon ay ang surpresang kasal na inihanda ng kanyang mga anak at manugang para sa ika-40th wedding anniversery nila ng kanyang mister.
“Humagulogol ako roon. Hindi ako makapaniwala… Pagkakaalam ko, magiging ninang ako sa friend ng anak ko,” pagkukwento pa nga ni ni Nanay Elizabeth.
Hindi inakala ni Nanay Elizabeth na mayroong surpresa na inihanda ang kanilang mga anak at manugang para sa kanila ng asawa nitong si Tatay Arnold. Walang pagsidlan ang tuwa ng mga ito dahil ramdam na ramdam nila ang pagmamahal ng kanilang mga anak sa kanila.
Sa isang panayam nga sa mga ito, emosyonal na inihayag ni Nanay Elizabeth ang kanyang saya at kilig para sa muling pagpapakasal nila ng kanyang mister. Saad pa nga nito,
“Mahal na mahal ako ng mga anak ko na hindi ko akalain na bibigyan nila kami ng pagkakataon na ikasal kami ng 40 years… kasi ‘yung kasal namin noon, simple lang kasi mahirap. So, ngayon ko lang naranasan na ganoon. Tsaka ang ligaya, hindi ko akalain talaga.”
Sa kabilang banda, natatawa naman si Tatay Arnold nang sabihin nito na sa darating na 50th anniversary nila ng kanyang misis ay magpapakasal ulit silang dalawa. Sa katunayan, kahit ilang ulit ay handa raw siyang pakasalan ang kanyang misis.
“Sa 50th, magprepara na naman sila para ikakasal naman na tayo,” ang natatawang ani pa nga ni Tatay Arnold.
Samantala, naging matagumpay man ang ginawa nilang surpresa para sa kanilang mga magulang, hindi naging madali para sa mga anak at manugang nina Nanay Elizabeth ang paghahanda para rito. Unang-una na sa mga naging hadlang dito ay ang pandemya.
Gayunpaman, sa kabila nito ay nalampasan nilang lahat ng hamon para sa paghahanda ng surpise wedding habang sinisiguro din ang kaligtasan ng lahat lalong lalo na ang pagsunod sa mga health protocols.
Pagbabahagi pa nga ng isa sa mga anak nina Nanay Elizabeth, upang maisakatuparan ang surpresa ay kinausap pa umano nito ang kanyang mga kaibigan na maging kasabwat sa kanilang surpresa. Pagbabahagi pa nito,
“Nanay knew that it was my friend’s wedding. So, Brenda prepared a fake invitation also. I texted my friends. I called my friends that if Nanay will ask something about the wedding, just say ‘yes’.”
Agad naman na naging viral ang tungkol dito kung saan, maraming mga netizen ang natuwa at kinilig din para sa surpise wedding nina Nanay Elizabeth at Tatay Arnold. Kaugnay nito, heto nga ang ilan lamang sa mga ibinahaging reaksyon at komento ng mga netizen:
“A very nice idea. Your mom must be very happy… and lucky too!”
“Ang ganda ganda ng bride! Walang kupas! Happy wedding anniversary sa inyo!”
“Super blessed ang mga anak na may mga magulang silang mabubuti at blessed rin si nanay at tatay na mga anak nila is love sila both…”
“Sana all! Ang tamis naman ng pagmamahalan nila nanay at tatay. Best wishes
po at God bless sa inyo. Kaka-good vibes lang!”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment