Hinding hindi makakalimutan ng marami matapos nag viral ang Jollibee dahil sa kanilang isyu tungkol sa 'crispy fried towel' na naapektuhan umano ang nasabing branch ng fastfood chain na ito.
Ngunit, sa kabila ng mga kumalat na isyu, mayroon pa ring mga tao na ipinakita pa rin nila ang pagtangkilik nila sa mga pagkain mula sa Jollibee.
Dagdag pa dito, hindi naman nagpaapekto ang kanilang mga loyal customers. Bagama't mas nahumaling pa silang bumili at kumain sa Jollibee.
Sa kanilang tagline na 'Bida ang Saya,' isang nakakalungkot na mensahe sa isang sulat ang natanggap ng mga staff ng isang Jollibee branch.
Ang mensahe na nakasulat umano ay tungkol sa pamamaalam ng isang babae. Noong mga nakaraang buwan lamang, isang staff ng Jollibee sa Taguig City, ang nakabasa ng nasabing mensahe sa isang tissue paper.
Habang binabasa ito ng staff, labis na siyang naging emosyonal at naantig ang kanyang puso.
Ang sulat na ito ay ibinahagi ng isang staff ng Jollibee na si Mark Noguera sa kanyang Facebook account. Ayon kay Mark, ang nag-iwan ng mensahe ay isang babae, nasa 20 taong gulang.
Umupo raw ito sa may bakanteng lamesa bandang alas tres ng hapon sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig City. Nang matapos ng kumain ang babae, agad niyang pinuntahan upang maglinis at magligpit ng kinainan ng babae.
Habang naglilinis si Mark, napansin niya ang isang tissue na may sulat na nakalagay lamang sa mesa. Dahil sa kanyang pagtataka, agad niyang tiningnan at binasa ang nakasulat sa tissue paper. Dito niya napagtanto, ang sulat ng babae ay para talaga sa Jollibee.
Ang nakasulat na mensahe sa tissue paper:
Huling Jollibee ko na to :)
Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng c----r Stage 2. Sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito.
THANK YOU JOLLIBEE SA UULITIN :)
Matapos itong mabasa ni Mark, labis na nadurog ang kanyang puso pati na rin ang kanyang mga kapwa crew na nakabasa rin ng sulat dahil sa malungkot na mensahe na iniwan ng babae.
Noong ibinahagi ito ni Mark sa kanyang Facebook account, ito ang kanyang naging caption:
“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”
Naantig din ang mga netizen na nakabasa ng post ni Mark. Marami rin sa kanila ang nagbigay ng kanilang mga komento sa naturang post:
"haysss ako din hndi na ko mkakq pag jollibee😭😭 almost same tayo ng situation nadiagnose yung wallet ko insufficient fund hayz"
"God is the best healer.praying for your healing in Jesus Christ name. Amen.claim na ntin na gagaling na ang lahat khit wlang sakit all our problems....🙏🙏🙏🙏"
"I feel her. Na pinagbawalan ng doctor dahil sa ovian cyst. 😞"
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment