Tuesday, September 14, 2021

Mangangalakal sa Daan, Umiiyak na Nagpaliwanag na Hindi Siya Isang Magnanakaw


Kabilang ngayon sa mga viral posts sa Facebook ang kuhang video sa isang mangangalakal na pinagkamalang magnanakaw ng dalawang guwardya na pilit siyang pinapaamin. Sa naturang video, pilit kinukumbinse ng naturang mangangalakal ang mga guwardya na hindi niya magagawa ang naturang bagay.

“Hindi po ako nagnanakaw, sir,” ang mangiyak-ngiyak pang ani ni Kuya.

Ayon sa dalawang guwardya na naroon, ninakaw lamang umano ni Kuya na mangangalakal ang mga gamit na dala nito silid ng isang sako. Kaya naman, gusto nila na isauli nito ang naturang mga bagay.

Ngunit, pilit din na dinedepensahan ni Kuya ang sarili at mariing ipinaliwanag na hindi niya magagawang magnakaw. Ani pa nito, kung totoo mang nagnakaw siya ay pagbabayaran niya raw ang naturang kasalanan. Kaso nga lang, idinidiin nito na hindi siya nagnakaw.

Mangiyak-ngiyak na nga ito habang ipinapaliwanag sa dalawang guwardya na ibinigay lamang sa kanya ang naturang mga gamit ng isa rin umanong guwardya sa lugar. Ginagawa daw nito ang lahat upang maghanapbuhay ng marangal para sa pagkain at gatas ng kanyang anak.


“‘Wag naman, sir. Galing naman ‘to sa pinaghirapan ko sir, eh… Hindi po ako nagnanakaw, sir! Marami pong nakakakilala sa akin dito… Panggatas ng anak ko ‘to, sir,” pilit pang paliwanag ni Kuya.

Nagmakaawa ito sa naturang mga guwardya na paniwalaan naman daw siya ng mga ito. Hindi umano siya napunta sa lugar na itinuturo ng mga guwardya na doon daw siya nanggaling. Ang mga bakal o gamit daw na dala nito ay ipinagpaalam niya naman sa tinutukoy niyang guwardya kaya ibinigay niya ito sa kanya.

Gayunpaman, kung gaanong kumbinse ni Kuyang mangangakal sa mga guwardya ay siya ring pilit ng mga ito na mayroon umanong nakakita sa mangangalakal. Ani pa ng mga ito, nagdadrama lamang daw ang mangiyak-ngiyak na mangangakal at nakakaabala pa raw ito sa kanilang trabaho.


Samantala, matapos magviral ng naturang video ay umani agad ito ng iba’t-ibang opinyon mula sa mga netizen. Karamihan sa mga ito ay naniniwala na nagsasabi ng totoo si Kuyang mangangalakal. Dagdag ani pa nga nila, ‘scrap’ lang din naman umano ang mga dalang bakal o gamit ni Kuya kaya sana ay hinayaan na lamang nila.

Para naman sa ilan, sana raw ay pinuntahan na lamang ng mga ito ang guwardyang itinuturo ni Kuyang mangangalakal para magkaalaman na kung ano talaga ang totoo kaysa sa paulit-ulit umano ang kanilang tanong at bintang dito.

Dismayado ang mga ito sa naturang mga guwardya na hindi umano marunong makiramdam. Pilit umanong naghahanapbuhay ng marangal si Kuya ngunit, imbes na suportahan ay ipinagkakait pa nila rito ang pinaghirapan ng mangangalakal.

Kaugnay nito, heto nga ang ilan pa sa mga komentong ibinahagi rito ng mga netizen:

“Mga walang awa. Tao ‘yan. Alam n’yo naman na mahirap buhay ngayon. Maliit na baga! Tanggal sana kayo sa trabaho n’yo.”


“Feeling ko nagsasabi naman siya ng totoo kasi papayag siya na puntahan ‘yung pinagkunan niya. Ayaw lang ng guard.” 

“B0b0ng mga gwardya. Kayo ang may sasakyan, kayo ang may radyo. Bakit hindi kayo ang tumawag o pumunta dun sa tinuturo niyang gwardya. Sasama naman siya, ilang beses niyang sinabi at pinaliwanag.” 

“Grabe naman kayo mga kuya guard. Sana naramdaman n’yo na nung sinabi nya na panggatas ng anak n’ya. Dun pa lang sana naramdaman n’yo na.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment