Sunday, September 12, 2021

Miss Q and A Contestant, Hindi man Nagwagi sa It's Showtime, Pero Winner sa Totoong Buhay!

Sa buhay, hindi talaga tayo pwedeng manalo sa lahat ng bagay. Ngunit, dahil sa ating sipag at determinasyon, kaya nating ipanalo ang buhay. 

Kagaya na lamang ng isang contesera na hindi nakuha ang pangarap na korona, ngunit naging matagumpay pa rin siya sa kanyang buhay. 

Isa sa mga sumali noon sa sikat na segment ng Showtime na Miss Q an A, si Exur Pastor Ranoa noong taong 2018. 

Dahil sa kanyang determinasyon, nakapasok siya para sa semifinals ng naturang show.

Sa pagkakataong iyon, natalo si Exur kay Kristine Ibardolaza sa talakan, kaya naligwak siya at hindi umabante sa grand finals. Walang rin siyang koronang naiuwi noon. 

At sa pagkakataong iyon, tinanghal naman na kampeon si Juliana Pariscova Segovia. 

Sa kabila ng pangyayaring iyon, nakitang naka pin ang kanyang post noong May 11, 2021 sa kanyang Facebook account ang tungkol sa ipinagawang bahay. 

Sa kanyang post, mistulang pinakita niya ang 'before' and 'after' dahil naroon din ang kanilang lumang bahay sa kanyang pinned post.

Ang kanyang caption: “Thank you, Lord, after 7 months sa wakas natapos na din ang pinapangarap kong bahay para sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking mahal na ina na siyang inspirasyon ko sa lahat ng aking hirap at pagsusumikap!”

Nagbigay din siya ng description tungkol sa kanyang two-storey modern residential house with roofdeck. Ito ay may area na 120 square meters.



Ang kanyang bahay ay nakatayo sa lote na may lawak na 200 square meters. 

Mayroon itong apat na bedrooms, tatlong banyo, at may malawak na terrace bukod pa sa garahe at utility room.

May space din para sa kanyang Exur Collections Shop, make-up studio, at E Room (Exur’s Room, Executive Room, Entertainment Room).

Sa isang post ay nagbalik-tanaw si Exur sa kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pangarap.

Bago pa man sumalang sa Miss Q & A ng It’s Showtime ay sumasali na si Exur sa mga beauty contest.

Hindi man siya nanalo sa show, nang sumunod na taon ay siya ang tinanghal na Reyna ng Sidlakang Dabaw 2019.

Simula nang isinagawa na ang kanyang bahay, nangako siya na ipapakita maging ang interiors kapag tapos na ang construction ng bahay.

Sa isang post ay nagbalik-tanaw si Exur sa kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pangarap.

Aniya, “Hindi biro ang hirap, pagod at luha para maisakatuparan ang lahat ng ito, pero para sa pamilya lahat kakayanin.

“Ilang beses mang pinaglaruan ng tadhana, ilang beses mang ako’y pilit na hinihila pababa, ngunit nanatiling mapagkumbaba at matatag sa pag abot ng aking pangarap!”

Pinasalamatan niya ang kanyang mga suki sa kanyang negosyo.

“Maraming salamat sa aming mga beloved clients sa Exur Collections na patuloy na tumatangkilik, nagmamahal at sumusuporta sa aking munting negosyo!”

Ang kanyang business na Exur Collections ay nagpapa-renta ng mga suits, costumes at gowns. Ito ay naka-base sa Davao City. 

Gayunpaman, aniya, ang pagsali niya noon sa Miss Q and A ng It's Showtime ay isang napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanya na naging isa sa mga stepping stones niya sa kanyang pagiging matagumpay sa buhay. 

Ani Exur, “At sa Miss Q and A ng It’s Showtime sa malaking oportunidad na ibinigay sa akin na talaga namang nagpabago sa aking buhay!”

May shout-out din siya para sa masisipag na construction workers na bumuo sa kanyang dream house upang ang kanyang vision ay maging reality. “You guys are incredibly amazing!”

At noong August 19 ng taong ito, pinasilip na ni Exur ang kabuuan ng kanyang bahay. 

Caption niya sa kanyang post: “As promised in my previous post, I’ll tour you around once the interior is done!

“And here it is!"

Ayon kay Exur, "modern minimalist" ang napili nilang style para sa interiors.

“We opted for a modern minimalist interior design perfect for a home where the heart resides, memories are created and laughter never ends. We also opted for neutral colors mainly, black, white, gray, and brown.”

Dahil sa ganda ng disenyo ng kanyang bahay, marami ang nag share ng post tungkol sa kanyang bagong bahay. 

Pagbabahagi niya, “Masaya ako na in my simple way, I was able to inspire everyone. Dahil kung kaya ko, kaya niyo din. At kung para sa iyo, ibibigay iyan ng Diyos samahan lang ng sipag at tiyaga.”

Payo niya para sa mga gaya niyang nais makamit ang pangarap: “Not to brag but to inspire na hindi pa huli ang lahat. Kung kaya ko, kaya niyo din.”

“Ang mahalaga, kahit mabagal ay umuusad ka. Laban lang nang laban.”

Hindi rin aniya nakukuha ang tagumpay sa isang tulog lang, at dapat ay pinaghihirapan, pinagpapaguran, at pinagtitiyagaan.

“Kaya kung nahihirapan ka ngayon, ipagpatuloy mo lang iyan.

“Pipiliin mo lang kung ano ang karapat-dapat ilaan ang mga paghihirap mo.

“Kung gusto mo nang sumuko, isipin mo na lang ang dahilan kung bakit mo ito sinimulan.”

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment