Thursday, September 16, 2021

Netizen, Dismayado sa Inorder Niyang Letchon na Puno ng Dahon ng Saging ang Laman!


Animo’y na-scam o biktima ng panlololoko ang naramdaman ng netizen na ito mula Muntinlupa City nang dumating sa bahay nito ang inorder niyang lechon noong nakaraang pasko. Hindi nito inasahan na magagawa siyang lokohin ng pinag-orderan niya ng lechon na walang kalaman-laman kundi mga dahon ng saging!

Sa Facebook, hindi na nakapagpigil pa ang netizen na si Chona Batiancila at ibinahagi niya rito ang naging karanasan mula sa naturang restaurant na pinag-orderan niyang lechon. Walang kalaman-laman at literal na buto’t-balat ang naturang lechon na idineliver sa bahay ni Chona.

Kung titingnan sa labas ay maayos pa ang balat ng lechon ngunit, nang buksan ay wala itong kalaman-laman kundi mga dahon lamang ng saging. Kung hindi dahil sa ipinalaman sa loob nito na mga dahon nga ng saging ay hindi halos makikilala na lechon pala ang naturang pagkain.

Lubos itong pinatunayan ni Chona sa mga larawan na kanyang ibinahagi kung saan, kita na wala ngang laman ang lechong baboy maliban na lamang sa balat nito at ang mga saging.

Ayon kay Chona, hindi niya raw maintindihan kung anong baboy ang ginawang lechon ng Mira’s Native Lechon de Cebu sa Muntinlupa City na siyang tindahan na pinag-orderan nito. Nagbayad umano ito rito ng halagang Php 5,500 ngunit iyon lang pala ang matatanggap niyang serbisyo.


Sobrang pagkadismaya umano ang naramdaman ni Chona sa nangyari lalo na’t pasko at napakaimportante na maayos ang lahat para sa naturang espesyal na okasyon.

Dagdag ani pa ni Chona, sa kabila ng kanyang reklamo ay hindi na raw tumugon sa kanya ang naturang tindahan kaya napagdesisyunan niya na ibahagi na lamang sa Facebok ang pangyayari kung sa ganoong paraan ay makukuha niya ang atensyon nito.

“Shout out  po sa Mira's Lechon ng Tunasan, Muntinlupa. 


“Heto po ang idineliver n’yo sa akin nung Dec 24. Hindi ko alam kung anong klaseng baboy ito. Sa halagang 5,500, ito lang pala ang mapapala namin. Sobrang disappointed ako mam!!! ‘Yung excitement, naging disappointment!! 

“P.S. Mira's Native Lechon de Cebu, kaya ko ito pinost kasi hindi kayo nagrereply sa mga messages ko,” saad pa nito sa kanyang Facebook post.

Agad naman na naging viral ang post na ito ni Chona at umani ng iba’t-ibang mga komento at reaksyon mula sa mga netizen. Dito, gaya ni Chona ay dismayado at hindi rin makapaniwala ang mga netizen na magagawa ng naturang tindahan ang ganoong pandaraya.

Mayroon ding ilan na nag-alala para sa netizen dahil baka hindi raw ligtas na kainin ang naturang lechon. Maaari raw kasing ang baboy na nilechon ay sobrang payat o di kaya ay sakitin.

Samantala, heto nga ang ilan pa sa mga komentong iniwan ng mga netizen sa viral post na ito:



“Sobrang payat na baboy. Ayan! Pinalamanan lang ng saging.”

“Lupit naman n’yan. Malnourished ‘yung baboy! Binaboy n’yo naman customer nyo!!!!”

“Unang kagat, dahon agad!!”

“Tinanggalan po ‘yan ng laman sa loob kaya po nagkaganyan nang maluto.”

“Dapat di na nila kinain iyon. Mamaya n’yan may sakit pala ‘yung baboy.”

“Literal na balat lang ng lechon ang iniwan hahahaha!”

Source: thedailysentry


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment