Isang post ang nag viral ngayon sa social media ng isang babae matapos masipag na ginawan ng banner ang ilan sa mga taong may utang sa kanya.
Sa post ng may Facebook account name na, Ar-Ar Resando, isinapubliko niya ang mga taong may utang sa kanya.
Unang tingin pa lang sa post, tiyak na malulungkot ka dahil animo'y banner ng mga namatay o mga taong sumakabilang buhay na. Ngunit, kung titigan, ito pala ay mga tarpaulin ng mga taong may utang.
Nakalagay pa mismo sa banner na pinost ng babae, "In Loving Utang Memory of." Nakalagay din ang pangalan ng mga taong may utang sa kanya.
Bukod sa nakalagay ang pangalan, nakalagay din mismo ang address, dahilan ng pangungutang at ang amount din nito.
Sa unang photo na ibinahagi niya, ang lalaki ay may utang sa kanya na nagkakahalaga ng Php 57,099 at sa pangalawang photo naman ay nagkakahalaga ng Php 20,000.
Parehong dahilan ang nakalagay sa tarpaulin ng dalawa. "Nagsugal, Natalo, Nangutang at Di Nagbayad," ito ang nakalagay sa banner na ginawa ng babae.
Walang takot na nilagay ang pangalan ng dalawang lalaki na may utang sa kanya at pinost na rin ang mga mukha nito.
Basahin ang buong post ng babae:
Ayan ginandahan kona yang banner ninyo 😂 to be follow na ang kape at tinapay! Na may kasamang baraha.🤷🏻♀️😂
Utang pa more kaya yung iba jan na puro reason at hindi nagseseen malapit lapit nadin kayong mapagawaan ko ng ganito.🤷🏻♀️🤣😘
Kahit 100 lang utang mo pag aaksayahan kita ng oras pagawaan ka lang ng banner 🤷🏻♀️🤣
Maraming mga netizen ang naaliw sa ginawa ng babae at nagbigay na rin ng kani-kanilang mga komento sa naturang post:
"Parang peace memory n yan ah."
"-1000 to sa langit panigurado HAHAHA"
"Tanginang utang yan 57k dapat kasi dikana nagpapautang sa di marunong mag bayad parang ikaw pa nahihiya maningil kakapal ng mukha."
Sa kabila ng mga natuwa sa kanyang post, may ilan ding mga netizen na nagbigay ng paalala sa babae na nag post ng ginawa niyang banner para sa mga may utang sa kanya.
"Ang paniningil ng utang ay karapatan ng isang nagpautang upang sila ay bayaran...Ngunit ang paggamit ng social media upang ipahiya ang nangutang sa publiko ay hindi pinapayagan ng ating batas," nakasaad sa screenshot photo na komento ng isang netizen.
"@Maria Arlene Abejo Gabon tama po yan pede k ksi kasuhan ng umutang sayo ng kapag na post s social media, kaya mababali wala lng un inutang nia syo ksi kapag xa nanalo s korte kaw pa magbabayad ng damage sa kanya," pagsang-ayon ng isang netizen sa pinost na paalala.
"Hindi sa kumakampi ako sa nangutang pero ingat ingat sa pagpost kasi kaya kayong mabaligtad niyan ending imbis kayo mabayaran kayo pa magbabayad…
Invasion of Privacy, Defamation and Right of Publicity is waving which are much bigger cases kesa sa isasampa niyo sa Small claims for unpaid loans…
Hoping mabayaran kayo…," komento ng isa pang netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment