Wednesday, October 27, 2021

Farm Owner, Nilibre sa Sikat na Fast Food ang Kanyang mga Tauhan; Mga Tauhan Niya, Tuwang-tuwa Dahil First Time Nila Makakain Nito!


Dahil nga sa naging masagana ang ani at maganda ang kita  ng isang farm owner, naisipan niyang dalhin ang kanyang mga tauhan sa isang fast food chain upag ilibre sila bilang pasasalamat sa kanyang mga tauhan. 

Handog umano niya ito sa kanyang mga tauhan na masisipag at marami ang kanilang naani sa Surallah, South Cotabato.

Ibinahagi ni Josue Carmen Jr. sa social media ang pasasalamat at pagkilala niya sa kasipagan ng kanyang mga tauhang magsasaka dahil sagana ang kanilang ani ngayong Linggo sa pepper.

Ayon sa farm owner, sabay-sabay silang nananghalian ng kanyang mga tauhan dahil iyon nga nagkaroon sila ng kaunting celebration dahil sa kanilang magandang ani. 

Bukod sa magandang ani ng farm owner at ng kanyang mga tauhan, double celebration pala ang nangyari dahil “first time” makatikim ng kanyang mga tauhan ng pagkain sa Jollibee.

“Sabi ko ‘maganda ang kita natin ngayong week, treat ko kayo.”

“Nagtanong ako, ‘nakakain na ba kayo sa Jollibee?’ Sagot nila hindi pa first time daw nila” dagdag pa niya.

Sa larawan makikita ang saya sa mukha ng mga lalaki habang kumakain. Sila pala ay mga indigenous people na miyembro ng T’boli tribe sa Lake Sebu.

Kwento ni Carmen sa pepper venture na sila nagkakilalang lima. Dahil sa kanilang kahusayan sa pagtatanim ng pepper ay nakatanggap na sila ng award ang Kabataang Agribiz Competitive grant mula sa Department of agriculture nito lamang Agosto.

Ang mga lalaki ay nakatira umano sa kabundukan ng Lake Sebu. Ang binatang si Nunoy na may pinakamalapad na ngiti ay nais makapag-aral. Nangako naman si Carmen na kapag maganda pa rin ang ani at kita sa Disyembre ay magbibigay siya ng bunos.

Saad ni Carmen, hindi lamang ang kanilang produkto ang kanyang pinapangalagaan kundi pati na rin ang kanyang mga tauhan.

“As we provide good products, we also make sure that we put our farmers first, give them good credits and let them enjoy what they do,” saad ni Carmen.


Ang kwentong ito ay ilan lamang sa mga nagpaantig sa ating mga puso. Marami na ring mga kwento na naitampok sa social media na labis na tiyak nakaka-inspire sa lahat ng mga netizen. 

Matatandaan, isang netizen ang nagbahagi noon sa social media sa nakitang kalagayan ng isang lolo na nagtitinda na lamang ng lugaw para lang makaraos sa araw-araw.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Max Udomsak na taga Bangkok Thailand ang kalagayan ng isang matanda na nagbebenta lamang ng lugaw sa araw-araw.

Ngunit ang masaklap dito ay kumikita lamang ang matanda ng aabot sa halagang 34 lamang at 40 naman kung may kasamang itlog.

Hindi rin naging madali ang proseso nito. Aabutin pa ng ilang oras si lolo bago makabenta at madalas pa nga daw ito ay walang benta dahil wala sa kanyang gustong bumili. 

Ang tanging tirahan ni lolo ay isang abandonadong bahay dahil nasunog ang kanyang bahay noon.

Dahil sa kawalan ng pera, hindi na nag abala pa si lolo na humanap pa ng panibagong bahay na maaari niyang upahan. Nabatid rin ma walang tumulong kay lolo kaya naman hmanap na lang siya ng paraan para may matirhan siya.

Gumamit siya ng trapal at tarpaulin ng sa gayon ay hindi siya mabasa at magsilbi itong harang at proteksyon niya sa kanyang pagtulog tuwing umuulan.


Nagsisimula si lolo na magtinda ng kanyang lugaw mula alas tres ng madaling araw hanggang sa sumapit na ang gabi. Sa kanyang pagtitinda naman ay minsan meron minsan wala ang naging kalagayan ng kanyang pinagkakakitaan.

Dahil sa isang good samaritan na nag post umano ng larawan ni lolo, marami ang nakakita sa kalagayan ni lolo at marami ang nalungkot sa kanyang naging sitwasyon ngayon.

Sabi naman ng ibang nakabili ng kanyang mga lugaw, bukod sa kanyang kaawa awang sitwasyon ay masarap talaga ang lutong lugaw ni lolo.

Sa updated post ni Max, marami na ang dumulong sa kanya at nagpaabot ng tulong. May iba rin na pinuntahan talaga si lolo para kumain ng kanyang lugaw.

Ang istorya ni lolo ay isang inspirasyon sa lahat na sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi pa rin siya sumuko at pinagpatuloy lang talaga ang kanyang laban. Marami rin ang naantig ang puso nang nasaksihan nila na marami pa palang mga tao na handang mag abot ng tulong sa mga higit na nangangailangan. 

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment