Noong dumating ang pandemya, naging uso na ang mga online businesses. Naging mas marami na ang mga online buyers sa isa sa mas kilala na online shop ang "Shoppee."
Sa pamamagitan ng pag o-online shop, naging mas convenient at napadali ang bawat transaksyon ng mga online buyers.
Dito sa application na ito, ang gagawin mo lang ay hanapin ang item na gusto mong bilhin sa shop na nais mong bilhan at i-add to cart lang.
Kung sigurong siguro ka na talaga na bilhin ang item, dito mo na ipe-place order ang item na gusto mong bilhin. Mag-aantay ka lang ng ilang araw bago madeliver ang iyong order.
Iyon nga lang, may mga disadvantages din sa pagbili online. Ilan sa mga ito ay ang walang kasiguraduhan na may item talaga na darating o di kaya ay kung may laman ba ang pinaglalagyan ng biniling item.
Katulad na lamang ng nangyari sa isang ginang na ito sa Tagum, nang dumating na ang kanyang order ay wala itong laman.
Sa video na ipinakita sa Facebook, makikita na nagpapaliwanag ang nasabing delivery rider dahil umano sa nangyaring scam. Binuksan umano niya ito mismo sa harap ng rider.
Sabi ng rider sa video, wala umano silang kinalaman sa nangyaring pang-iiscam ng seller dahil ang kanilang trabaho ay ang pag de-deliver lamang.
Habang nagpapaliwanag ang rider, medyo uminit ang ulo ng asawa ng nasabing babae na receiver ng item.
Ang gusto ng mag-asawa ay ibalik ang pera dahil wala umano ang kanilang inorder na gamit umano sa tambutso ng motor.
Ipinaliwanag ng rider na wala siya sa lugar upang magreklamo sa seller. Sinabihan niya ang receiver na sila na mismo ang magreklamo sa seller gamit ang kanilang shoppee account.
Dito, hinampas ng lalaki nang malakas ang gate at saka naging mas agresibo at galit na galit sa nasabing rider. May hawak pa itong kutsilyo at balak na saksakin umano ang rider.
Napilitan ang rider na ibigay ang nasabing pera na nagkakahalaga ng Php 300 plus.
Inawat naman ito ng babae at saka na kumalma ang kanyang asawa. Patuloy pa rin sa pagpapaliwanag ang delivery rider.
Hindi pa rin tinanggap ng babae ang paliwanag ng rider. Humingi na lang siya ng sorry sa rider at hindi na binalik ang pera.
Maraming mga netizen ang nalungkot sa nakitang pangyayari. Marami ang pumanig sa side ng rider dahil hindi naman talaga kasalanan ito ng rider.
Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga madla sa nasabing post:
"Bugua ninyo Mam uyy! Kamo may mo-process sa Return/Refund kay kamo may nag-order. dili mana sala sa rider. Mamatay unta mong duha sa imong bana ugma uyy!"
"Kaluoy sa rider. Gaga man nang si manang nasuko ra daw iyang bana nga hapit na patyon ang rider, lamia ipang pakog oyyy!! Tuga2 online shopping di kabalo! MGA BUBU
KUNG KAY KINSA MANING MGA GINIKANAN, PALIHOG TUDLOE‼️ KUNG PWEDE AYAW NA IPA ONLINE SHOPPING 🥴 SUROK SAD DUGO NATO SA INYO NAY, TAY OYY‼️‼️"
"Bugo ka ako gani na scam ko sa pantalo tag 1700 ang isa tapos ang naabot ukay2 wala man gani ko nanunggab sa driver bugo tig deliver raman na sila. Ang angay buhaton ana kuntakon nmo ang customer service let say sa lazada ka nag order tawag ka sa ilahang hotline number. Tapos pangutan on ka unsa imohang concern e ingon lang mao ni mao na. Nauli man lage akung kwarta."
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment