Viral ngayon ang kumakalat na kuhang mga screenshots tungkol sa mga naging sagutan sa nasabing group chat na lantaran umano ang pambabastos ng mga estudyante sa kanilang guro.
Nag-umpisa lamang ang lahat sa pinaka-simpleng dahilan nang hindi nakapag-send ng soft copy para sa magiging aralin nila.
Si Sir Hans Machacon, ang subject teacher na kasalukuyang nagtuturo sa Abellana National School Day and Night - DepEd Region 7, Cebu, na kalaunan ay siya pa ang humingi ng pasensya sa kanyang mga estudyante.
Ngunit, base sa kanilang mga conversation, makikita na walang karespe-respeto ang mga estudyante ni Mr. Machacon.
Wala umanong pakundangan na pinagsalitaan nila ang kanilang guro at 'yong iba pa nga ay minumura pa nila ang kanilang guro. Walang pigil na pagmumura ang kanilang ginawa.
Paliwanag ng Guro, ang buong akala niya ay naibigay na ng class adviser nila ang kinakailangang link ng mga estudyante para sa subject na tinuturo niya.
Ayon pa kay Mary Grace Sumalinog, kaklase umano ng mga involve na mga estudyante, pati na rin daw ang kanilang guro sa Filipino ay umalis na rin sa kanilang group chat.
Dagdag pa ni Mary Grace, hindi na umano nakayanan ng kanilang guro ang mga pag-uugali ng mga kaklase niya, kaya umalis na lang ang nasabing guro.
Nangako naman ang pamunuan ng nasabing paaralan na kanilang aaksyunan ang nangyaring insidente.
"In the light of the recent issue, rest assured that the school will take action which is deemed to be in the best interest of all the parties involved, mindful of the existing school rules and laws, under the principle of fairness,"
Marami ang naglabas na kanilang suporta para kay Sir Machacon, hindi nila lubos maisip na sa sobrang kabaitan ng guro ay winalanghiya na lang ng mga estudyante.
"Sir Hans Machacon were all very supportive of me. I will be forever grateful to Sir Hans for his help since I would not be where I am now without it," salaysay ng dating estudyante ni Machacon, na halos mag drop-out na sa pag-aaral kung di lang siya tinulungan ng guro makahabol."
"I hope the Grade 9 students who disrespected Sir Hans learned their lesson. You disrespected a phenomenal ANS teacher. As a result, you must accept the consequences of your mistake."
Isang netizen naman ang hindi nakayanan na maglabas ng kanyang pagkalungkot sa naturang pangyayari.
Heto ang naging komento ng isang netizen sa naturang pangyayari:
"With all due respect kids, kindly please respect all your teachers. Remember, educators are more equip than you. Kahilas gud ninyo mo ingun sa maestro mga bogo, yawa ug giatay. Maybe mao na iyahang environment. For me this attitude should not be tolerated. Hopefully the school will act on it especially DepEd."
May ilan ring mga kapwa guro na nagbigay ng komento dahil hindi rin nakayanan ang pag-aasal umano ng mga nasabing estudyante.
"AS A GRADE SCHOOL TEACHER, THIS IS SO SAD FOR ME🥺
WE ALL GO THRU HARD TIMES RECENTLY, LET'S JUST BE RESPECTFUL AND COMPASSIONATE SA TANANG BUTANG, MAPA MODULE MAN O DILI. BEING A TEACHER IS NOT AN EASY PROFESSION, LIKE OTHER JOBS ALSO. ANG INYUNG GIPAKITA SA MAESTRO , MAO SAD NA INYUNG TREATMENT SA GINIKANAN NINYO?? SO SAD TO HAVE YOU AS THEIR CHILD❌"
"new generation today didnt respect their teachers they adopt the modern stage but they forgot on how to respect the elders or even there teachers."
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment