Ang simple lang sana na kaarawan ng isang lalaki na nagngangalang Rading Dawinan ay naging engrande at memorable nang regaluhan siya ng kanyang unica hijang si Kimwen ng isang brand new car.
Noong tinatapos kasi ng dalaga ang kanyang thesis, ibinenta ng kanyang ama ang kanilang lumang kotse para lang maibili ng laptop ang anak.
Nang makapagtapos at magtatrabaho na si Kimwen, sinuklian niya ang mga sakripisyo ng ama.
Nitong March 16 lang noong ipinagdiriwang ni Rading ang kanyang ika-63 na kaarawan. Nagkaroon lang siya ng simpleng handaan sa labas ng kanyang bahay.
Sa ipinost ni Kimwen na three-minute video, kinantahan nila ito ng "Happy Birthday" sabay hinihila ang ang nasabing money cake.
Pero sa halip na pera ang nakalagay sa mga plastic, mga papel ito at naka-spell out ang birthday message ni Kimwen.
Ipinahila kay Rading ang “Daddy” greeting sa cake at nabunot niya ang isang plastic na naglalaman ng car key.
Nang nabunot na ni Rading ang nasabing susi ng sasakyan, sakto namang paparating ito sa kanyang harapan. Naging emosyonal si Rading, ang kanyang misis at maging si Kimwen.
Sa caption, ibinahagi ni Kimwen ang kuwento ng kanyang magarbong birthday gift sa ama.
Aniya (published as is), “8 years ago before mag start yung thesis year nakaset na sa utak ko na library/computer shops yung makakatulong sakin para makapagcontribute sa thesismates ko.”
Tinanong si Kimwen ng kanyang mga magulang kung kailangan nito ng laptop.
Mabilis na sumagot si Kimwen na ang computer sa library school at ang laptop ng mga kagrupo ang kanyang gagamitin.
Hindi na raw niya kailangan ng bagong laptop.
Ilang linggo o buwan matapos ang senaryong iyon, umuwi si Kimwen at napansing wala ang kanilang kotse.
Pagbabahagi ng dalaga, “Inisip ko baka sira, dinala siguro sa talyer.
“After dinner nagulat ako may biglang inabot sakin dad ko na laptop.
“Di ko inexpect na bibilhan nya parin ako kahit sinabi ko na di naman na kailangan.”
Nalaman ni Kimwen ni ibinenta ng kanyang ama ang
Kaya naman ibinalik ni Kimwen sa ama ang kotse sa kaarawan nito.
“So today ako naman yung mag give back sa lahat ng sacrifices mo daddy. Thank youuuuuu!!!!
“I’m so lucky and proud at the same time that you’re my dad. Sana nagustuhan mo yung regalo ko sayo.”
Pinasalamatan din ni Kimwen ang lahat ng tumulong sa kanya para sa sorpresa sa ama.
“Simula sa paghahanap ng dealer, pagaayos ng papers hanggang sa marelease yung unit at pati sa tumanggap na makipark muna ako for 3 nights.”
Nang makapagtapos at magtatrabaho na si Kimwen, sinuklian niya ang mga sakripisyo ng ama..
“Kahit na alam kong yun yung unang unang sasakyan na binili nya para sa family namin, he will really do everything for me and to our little family.”
Kaya naman ibinalik ni Kimwen sa ama ang kotse sa kaarawan nito.
Nag-viral ang madamdaming post na ito ni Kimwen.
Ayon kay Rading sa 24 Oras, October 10, 2021, “Hindi ko akalain na ako ay merong isang materyales na regalo ang anak ko na kotse.
“Dahil ang alam ko lang talaga isang pamilya get-together.”
Kuwento pa ng huwarang ama tungkol sa pagbenta niya noon ng kanyang kotse, “Wala talaga akong maisip na uutangan ng laptop, kaya nag-decide ako na ibenta ko na lang ang kotse ko.”
Ibinahagi naman ni Kimwen ang kabutihan ng kanyang ama, “Kasabihan nga po na isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa anak mo. Super ganoon po siya.
“Para sa akin, para sa mommy ko, lahat talaga gagawin niya.”
Nang maka-graduate at magkatrabaho, alam na ni Kimwen ang kanyang pag-iipunan.
Sabi ng dalaga, “After graduation basta magkatrabaho ako, ang kailangan ang unang-una kong maipundar is yung sasakyan.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment