Totoo talaga na hindi hadlang ang kahirapan sa edukasyon kung mismo ang mga magulang natin ay sinusuportahan tayo sa ating pag-aaral. Kahit hirap na hirap na sa buhay, hindi pa rin susuko sa pangarap na magkaroon ng sapat na edukasyon.
Isang kwento na naman ang nakaka-inspire ang ibinida sa social media matapos ibinahagi ng isang guro ang isang post tungkol sa kanyang estudyante.
Sa post ng isang guro na si Sophous Suon ay makikita ang kakaibang bag ng isa sa kanyang mga estudyante na talaga namang pumukaw ng kanyang pansin.
Ang estudyanteng ito ay si Ny Keng, 5-anyos na ginawan ng bag ng kanyang ama. Hindi naging problema ang pagkakaroon ng bag kay Ny Keng dahil nabiyayaan naman siya ng ama na may angking talento sa paglikha ng matibay at maganda bag gawa sa raffia string.
Si Ny Keng ay kasalukuyang nag-aaral ngayon sa Lumphat Primary School sa Battambang, Cambodia. Walang kakayahan ang ama na bumili ng bagong bag para kay Ny Keng ngunit nakaisip ito ng paraan para magawan siya ng bag.
Kaya nga, nang pinost ito ng guro ni Ny Keng, maraming mga netizen ang namangha sa determinasyon at pagpupursige ni Keng. Marami rin ang nagbigay ng mga papuri sa kanyang ama dahil sa ginawa nito sa kanyang anak.
Ang pagkakaroon ng mabuting magulang ay isa sa mga itinuturing na tanging yaman ng mga anak. Sabi pa ng iba, marami umano ang naghahangad na magkaroon ng mga mga magulang na kayang magsakripisyo alang alang sa kanilang mga anak.
Kaya naman agad na nag-viral ang mga larawan ng mag-ama na bumibili ng sapatos sa isang shop.
Sa Facebook page na ‘Heaven Elements’, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang matandang lalaki kasama ang anak nito habang bumibili ng sapatos.
Makikita sa ibinahaging mga larawan na nagbibilang ang isang matandang lalaki ng kanyang mga naipon na barya para pambili umano ng sapatos para sa kanyang anak.
Kitang kita rin ang bakas ng mga ngiti sa mukha ng matandang lalaki dahil sa wakas nabili na rin niya ang sapatos na inaasam ng kanyang anak.
“Hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan..” ayon sa post.
Basahin ang huong post ng nasabing page tungkol sa nakaka-inspire na kwento ng matandang lalaki:
"Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos, hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.. Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa'yo nawa'y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo.."
Source: noypiako
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment