Maraming mga netizen ang natuwa sa kumalat na post online tungkol sa pagtulong ng isang rider sa dalawang matanda na nagbebenta ng asin sakay sa kanilang motorsiklo.
Sa tulong ng isang rider na si Jawo Motovlog, makakauwi ng maaga sina lolo at lola. Kasa-kasama rin nila ang kanilang isang apo sa pagtitinda.
Naglilibot umano ang dalawang matanda buong araw para maibenta lang ang kanilang tinitindang asin. Kada supot ng asin ay binebenta nila ito ng tag Php 25 ang isa.
Habang nakikipag-usap si Jawo, nakiusap si lola na bumili siya ng asin upang may pambili na umano sila ng bigas. Hindi naman sila binigo ng lalaki at pinakyaw niya ang lahat ng tinda.
Labi na natuwa ang dalawa, dahil sa bukod sa bumili si Jawo ng asin, binigyan pa niya ng pera ang dalawang matanda. Ibinigay na rin sa kanila ni Jawo ang sukli at inabutan sila isa-isa ng pera kabilang na ang kanilang apong lalaki.
Saad ng kanilang apo, makakauwi na raw nang maaga ang kanyang lola at lolo at ang pera na ibinigay umano ng vlogger ay gagawin na puhunan ng dalawa para sa kanilang binebentang asin.
Maraming mga netizen ang natuwa sa ginawa ng rider. Sabi ng iba, bihira na lang daw sa panahon ngayon ang mga taong may may mabuting kalooban. Nais rin nila na sana marami pang matulungan ang rider na hirap rin sa buhay.
Ang mga kwentong ito ay ilan lamang sa mga nagpaantiig sa mga puso ng mga netizen. Mga kwentong labis na nakaka-inspire kahit pa man sa mga pagsubok na naranasan natin sa buhay, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.
Kaugnay ng kwentong ito, Nagulat na lamang siya nang binigyan siya ng isang motorsiklo sa Jdp MCshop sa loob mismo ng Motorshop sa Rosario Cavite.
Binigyan siya ng motorsiklo para magamit niya sa araw-araw na pagtitinda ng balut sa gabi para matustusan mga pangangailangan ng kanyang pamilya. At ang motorsiklo ay isang paraan upang hindi na siya mahirapan pa sa paglalako ng kanyang mga balut.
Ayon sa report ng CAVITE CONNECT, ang pangalan ng lalaki na mismong nagbigay ng motorsiklo sa balut vendor sa loob ng Motorshop ay si Renz Marlon Gollaba Mateo.
Ayon dito, pinapunta umano nila ang balut vendor sa loob ng kanilang shop para bumili umano ng kanyang mga paninda na balut.
Dito na nagulat ang balut vendor dahil pagkatapos siga binati ni Renz ay hindi na mapapantayan ang kanyang saya nang sinabi ni Renz na bibigyan siya ng motorsiklo.
Ibinahagi rin ng balut vendor na walong taon na siyang nagtitinda ng balut na gamit lamang ang kanyang bisikleta sa paglalako.
Sinabi rin ng balut vendor na ang kanyang kita mula sa kanyang mga paninda ay ginagamit din niya para sa panggastos ng kanyang asawa na may sakit.
Kaya labis na lamang ang kanyang pagpapasalamat sa Jdp MCshop nang binigyan siya ng motorsiklo dahil sa umano'y laking tulong na ito para sa kanyang hanapbuhay.
Maliban sa binigyan siya ng motorsiklo, binigyan din siya ng pera para may pang gastos na rin sa kanilang mga pangangailangan at iba pang mga expenses.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment