Umani ng pambabatikos at samu't saring reaksyon ang isang post na makikita ang isang ina na gumagapang sa lupa at tila putikan ang katawan nito.
Ang ina umano na nasa larawan ay kinilalang si Gloria Ybañez na mula sa Molave, Barangay Talisay, Agusan del Norte.
Sa post ng netizen na si Prieto Orgal, makikitang mahinang mahina na ang katawan ni Nanay Gloria, hindi na siya makatayo. Kaya naman, gumagapang na lamang siya.
Ayon pa dito, inuutusan pa umano ng kanyang mga anak si Nanay Gloria kahit alam ng kanyang mga anak na nahihirapan na ang kanilang nanay.
Hindi na rin umano kaaya-aya ang amoy ni Nanay Gloria dahil hindi na umano siya pinapaliguan ng kanyang mga anak at hindi na rin inasikaso.
Sa pangyayaring ito, nahabag umano si Orgal kaya naisipan na lamang niyang ipost ito sa social media upang humingi ng tulong.
"Siya ay si Gloria Ybañez, nakatira sa purok Molave Talisay Nasipit Agusan del Norte. Mag-isa lang siya sa bahay. Hirap na siyang makalakad at hinang hina na po siya.
Sana kung mabasa man ito ng mga anak o kamag-anak niya ay maawa naman sa kanya, " post ni Orgal sa kanyang Facebook.
Maalalang, isang kwento ang naging inspirasyon ng lahat matapos pinabilib ng isang PWD na sa kabila ng kapansanan ay patuloy pa rin niyang itinaguyod ang kanyang pamilya binibigay ang araw-araw na pangangailangan nito.
Sa isang video na ibinahagi sa Facebook page na “Sabrinacio Footwear- main,” makikita na nadaanan nila ang isang babae na nagtitinda sa gilid ng kalsada habang silay ay nagbibiyahe.
Makikita rin sa video ang pagtatanong kung saan patungo ang lugar na kanilang tinahak sa kanilang pagbiyahe. Doon nila nalaman ang pangalan ng babae na si Rosal, 38 taong gulang na.
Nabanggit ng babae sa video na ang kanyang paninda ay naubos na raw. Makikita sa video na dala dala ng babae ang kanyang ice bucket na may lamang ice candy na kanyang itinitinda sa araw-araw
Sa kalagitnaan ng video ay tinanong si Rosal ng mismong kumuha ng video na kung siya ba ay may paniniwala sa Panginoon. Dito ay pinagdaop na ni Rosal ang kanyang mga palad at saka tumango siy. Matapos ng moment na iyon ay binigyan si Rosal ng pera ng kumuha ng video.
Labis ang tuwa at pasasalamat ni Rosal sa natanggap na biyaya mula sa mismong kumuha ng video. Aniya, malaking halaga na para sa kanya sa kanyang pamilya ang pera na iyon na magagamit nila sa kanilang araw-araw na panggastos.
Base sa mga kwentong naitampok, wala talagang katulad ang pagmamahal at sakripisyo ng mga ina sa kanilang mga anak. Kahit hirap na hirap na, patuloy pa rin sa pag serbisyo at pag-alaga at gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment