Kilig to the bones ang mga netizen matapos mahuli sa aktong binibigyan ng forehead kiss ni Mavy Legaspi ang rumored girlfriend nitong si Kyline Alcantara.
Makikita ang isang video clip nila ni Kylie at Mavy na pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizen sa TikTok.
Nag-usap umano ang dalawa habang nakaharap sa computer nang bigyan si Kylie ng kiss ni Mavy.
Nagulat naman si Kyline at pinaalala kay Mavy na naka-record pala sila at nagsimula nang nahiya si Mavy sa nasabing video.
“Naka-video!” saad ni Kyline.
Matapos ang pangyayari, hindi nila mapigilang tumawa na lang sa nangyari. Marami namang mga netizen ang kinilig sa kanilang dalawa.
Kung matatandaan, hindi naman ito ang unang beses na nagpakita ng sweetness ang dalawa sa isa't isa.
Noong birthday ng young actress ay may sweet message si Mavy sa kanyang Instagram account.
Bukod sa kilig on all social media platforms, nagpapakilig din ang dalawa sa seryeng I left My Heart In Sorsogon kung saan magkatambal sila.
Si Mavy Legaspi ay ang kambal ng isa rin sa pinaka hinahangaang star sa industriya na si Cassy Legaspi. Ang kanilang mga magulang ay celebrity couple din na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.
Nitong nakaraang taon lang, nagdalawang isip pa ang mga magulang nina Mavy ar Cassy na kung ipapasok ba nila ang kanilang anak sa showbiz.
Dagdag pa dito, minsan na ring ipinaliwanag ni Carmina ang tungkol sa showbiz earnings ng kanyang mga anak.
Sinabi niya na ilang parte ng kanilang earnings ay mapupunta sa kanilang personal expenses at ang other part naman ay mapupunta sa kanilang savings.
Maalala rin noon, nag post si Mavy ng photo ni Kylie na may nakalagay na caption na nagsasabing nagagandahan umano si Mavy sa smile at dimples ni Kyline.
Sa kabilang banda, nqging usap-usapan din noon ang ginawang pag approve ng ‘proud dad’ na si Zoren Legaspi para sa team-up ng kanyang anak na si Cassy at Joaquin Domagoso.
Parehong si Cassy at Joaquin ay isa sa mga casts ng First Yaya sa GMA. Gumaganap siya rito bilang si Nina Acosta, ang pinakamatandang anak ni President Glenn na ginagampanan ni Gabby Concepcion.
Ayon sa dalagang aktres, overwhelmed siya sa ipinapakitang suporta ng publiko sa kanya.
“Nakakakilig po and ayun nga I'm always trending din sa Twitter which is so weird and so cool.
"Every weeknight nagte-trend and ayun nakaka-overwhelm pero at the same, I'm so motivated to go back to work hopefully soon,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.
Ayon kay Zoren, nakikita daw niya ang chemistry ng dalawa at napapangiti kapag nakikita ang school’s scenes.
Isiniwalat ni Zoren sa publiko na approve siya sa team-up sa anak niyang si Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso, anak ni Isko Moreno.
“May chemistry sila, in fairness. To think pareho silang new-comer pero nung pinapanood ko yung mga school scenes nila, in fairness napapa-smile ako.”
Para kay Joaquin okay siya sa team up nilang dalawa dahil approve na si Carmina at Zoren.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment