Trending na trending ngayon ang isang video ng isang aktres na si Kim Chiu matapos nabuking ang kanyang pambabatikos at pambabastos sa isang kilalang aktres din na si Bea Alonzo sa publiko.
Nag viral ang Instagram story post ni Kim Chiu sa social media na kung saan ang kanyang photo ay kuha mula sa hallway ng ABS-CBN network.
Makikita sa video na tinatanggal ng mga tao ang isang portrait. Dito, mapapansin na masayang masaya ang aktres na si Kim Chiu kasama niya sa video ang isa sa kanyang mga co-host sa “It’s Showtime” na si Amy Perez.
Habang binabaklas ang mga portrait, tugon ni Kim Chiu kay Amy Perez na si Amy na raw ang susunod diyan. “Tiyang Amy, ikaw na ang susunod diyan,” sabi ni Kim kay Amy.
“Picture ko nga yung tinatanggal,” sagot naman ni Amy. Tawang tawa pa rin ang aktres hanggang sa tuluyan pang nagkulitan ang dalawa at nabanggit din nila ang portrait umano na ililipat ni Tiyang Amy.
Ang simpleng post na ito ay naging kontrobersyal dahil sa mga napansin ng mga netizens. Hindi nakalusot si Kim Chiu sa videong ito.
Kung titingnan sa video, ang picture sa binabaklas na portrait ay napapagitnaan sa portrait nila ni Piolo Pascual at Jericho Rosales.
Hanggang sa nakalkal ng mga netizens na ang picture na pinagtatawanan ni Kim Chiu ay ang portrait pala ni Bea Alonzo na sa kasalukuyan ay wala na sa ABS-CBN.
Ang naturang video na kumalat agad sa social media ay binura na umano ni Kim. Ngunit, hindi ito nakaligtas sa mga netizens lalong lalo na sa mga fans ni Bea Alonzo.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing video:
“Bea was really a good woman. She’s never hurting any colleagues of hers from her previous station.”
“Miss Kim wala kang “K” di hamak na mas maganda si Bea sayo at yung mga pose nya sexy sya kaya tsismosa ka na inggitera ka pa. Wala kang ganda. Tse.”
Marami naman ang nagsabi na mga netizen na wala naman umanong pambabastos ang naganap. Hindi rin nagmention si Kim ng pangalan at mismong mga bashers lang ng dalawa ang gumagawa ng isyung ito.
Matatandaang, hindi inakala ng marami na may matindi palang nangyari sa isang aktres na si Kim Chiu matapos ang naging scene niya sa isa ring batikan na aktres sa kauna-unahan niyang ginawang teleserye sa ABS-CBN.
Matapat namang sinabi ng Showtime host na si Kim Chiu na talagang labis ang kanyang pagka apekto sa makatotohanang sampal na ginawa ng isang beteranang aktres na si Glydel Mercado.
Ang pangyayaring ito ay naganap noong nag shooting sila para sa teleseryeng “Sana Maulit Muli” na ipinalabas sa ABS-CBN Network noong 2007. Sinabi ng aktres na ramdam na ramdam daw niya ang sakit ng pagsampal sa kanya ni Glydel.
Sa kanyang “Truth or Drink” dito napag-alaman ng lahat ang nangyari sa kanya matapos may nagtanong sa kanya na nasampal na ba siya ng totohanan sa isang kilalang aktres o isa sa mga naging madramang eksena niya.
Hindi naman nagpatumpik tumpik pa ang aktres at sinagot niya ng “Yes” at diot na niya inamin na muntik na raw siyang umuwi ng Cebu pagkatapos ng makatotohanang sampal na iyon sa kanya sa isang eksena.
“Ay, OK lang. Truth. Glydel Mercado. ‘Sana Maulit Muli’, yung first teleserye ko. Ang sakit talaga (ng sampal) pero du’n ko naman hinugot yung acting ko sa eksenang yun. Kaya okay lang naman,” pahayag ng dalaga.
Pagkatapos na kanilang naging sampalan ay nagpunta agad si Kim sa kanyang sasakyan at nagkulong. Doon na niya naisip na lisanin na lamang ang mundo ng showbiz.
“Tumakbo talaga ako sa kotse ko, nagkulong ako du’n dahil ang sakit talaga. Crayola (umiyak) talaga ako nu’n, gusto ko nang umuwi that time sa Cebu. Buti na lang napigilan ko ang self ko, nagbalik pa ako sa work,” ang chika pa ni Kim.
Aminado naman si Kim na hindi pa nila kabisado ang mga palakad sa industriya dahil nagsimula siyang mag artista matapos siyang tanghalin Big Winner sa “PBB Teen Edition” noong 2006 kaya ganun na lamang ang kanyang pagkagulat sa naranasan niya ang totohanang sampal.
Kaugnay ng mga naging tanong sa vlog ni Kim, hindi naman niya sinagot kung sinu-sino ang mga celebrities ang ayaw niyang makatrabaho o para sa kanya ay pasaway lamang sa mundo ng Showbiz.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment