Sa isang pamilya, ang ama ang siyang inaasahan ng bawat miyembro ng pamilya para suportahan ang kanilang mga araw-araw na pangangailangan.
Sila yung hindi mo mariringgan ng reklamo sa kabila ng hirap na kanilang sinusuong sa araw araw ng kanilang paghahanap-buhay. Simbolo din ng katatagan at lakas ng loob.
Madalas, sila na rin ang ating mga iniidolo at hinahangaan dahil sa kanilang walang katumbas na pagsisikap at sakripisyo para sa kanilang pamilya.
Pero ang hindi natin alam, kahit ang ating mga ama ay nakakaramdam din ng pagod, pagkadismaya at kung minsan ay pinanghihinaan din ng kalooban.
Sa isang post ng isang netizen/vlogger na si Mommy Love, na siya ding pangalan ng kanyang Facebook page, ibinahagi nya ang kanyang saloobin hinggil sa maaring nararamdaman ng mga haligi ng tahanan kabilang na dito ang kanyang mister.
Sa mensahe ng kanyang post, nais lang niyang iparating sa iba pang mga netizen na madalas umano nating nakakalimutan ang mga damdamin ng mga mister.
Madalas, palagi lang ang hinaing at mga kagustuhan lang umano ng mga misis ang laging iniintindi na kung tutuusin umano ay nakakaramdam din ang kanilang mga mister ng pagod at pagkadismaya.
Ayon sa post ni Mommy Love, “Sad but true, guilty ako dito. Na minsan or madalas pa nga puro yung feelings ko lang ang iniintindi ko.
Pag uwi nya ng work, hindi na nakakamusta, minsan sasama pa loob ko pag di ako natulungan sa gawaing bahay," pahayag ni Mommy Love.
Dagdag pa ni Mommy Love, sila ang higit na nakakasagap ng iba't ibang klase ng stress dahil maraming mga tao ang kanilang nakakasalamuha sa kanilang trabaho.
“Alam nyo ba na sa trabaho iba’t-ibang tao sa loob ng isang araw ang pwedeng makasalamuha ng mga mister natin. Pwedeng mabait, masungit, mataray o galit.
Minsan makaka-experience pa sila ng mga customer na para bang bibilhin na ang buong buhay nila," dagdag pa niya.
Nabanggit din ni Mommy Love na madalas naging makasarili tayong mga misis. Parati ang ating mga sarili lang natin ang ating iniisip.
“Madalas tayo nagsasabi na, ilabas mo naman ako, treat mo naman ako, lambingin mo naman ako pero nakakalimutan natin sila. Madalas hindi pa kakain sa trabaho para makatipid.
“They’re trying their best for us lalo na ngayong pandemic. Kung stress tayo sa budget and all, mas lalo na sila. Nadedepress din ang mga lalake, tanungin din natin sila kung kamusta na sila, let’s motivate them, kung kulang ang sahod, let’s find way para matulungan sila instead na ipamukha sa kanila na wala silang kwenta at bungangaan," paliwanag niya.
Sa bandang huli, nagbigay ng mensahe si Mommy Love sa mga misis na bigyan umano ng halaga ang mga mister nila. Dapat din na intindihin ang kanilang mga pangangailangan upang maiwasan na rin ang hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon.
“Daddy is tired, exhausted, stressed and depressed but he’s fighting. Pahalagahan natin ang mga asawa natin. Tao din sila napapagod, iwasan ang toxic relationship wherein lagi ka na lang galit. Bigyan pahinga din natin ang mga asawa natin, tayo dapat ang pahinga nila pag dating sa bahay.
A happy wife and husband = happy kids. Let’s be mindful na kailangan din ng mga anak natin ng masayang magulang," pahiwatig ni pa ni Mommy Love.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment