Usap-usapan ngayon sa social media na meron na umano papalit kay Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas ng TV5.
Patuloy na umuugong ang isyu na isang batikang anchor umano na si Kabayan Noli de Castro ang papalit kay Raffy Tulfo sa TV5.
Matapos nag back-out si Kabayan Noli de Castro sa pagtakbong senador sa 2022 election, nagparamdam umano ito na babalik uli siya sa ABS-CBN.
Nitong Oktubre 8 lang, Biyernes, naghain ng candidacy si Kabayan Noli de Castro. At nitong Oktubre 13 lang, Miyerkules, nang mag-withdraw siya sa pagtakbo sa senado.
Sa pag resign ni Kabayan sa TV Patrol, bumalik si Karen Davila sa flagship newscast ng ABS-CBN simula Oktubre 11, Lunes.
Pero, iyon nga lang, may bali-balita na papalitan ni Kabayan si Raffy Tulfo sa Radyo Singko sa programa nito sa TV5.
Balita rin, malabo na umanong makabalik si Kabayan sa dati niyang programa sa Kapamilya network. Maliban na lang kung magkakaroon ng pagbabago sa desisyon ng ABS-CBN.
Dahil kung muling ibalik si Kabayan Noli de Castro sa kanyang puwesto noon, posibleng matatanggal sina Pia at Karen sa kinapupuwestuhan nila ngayon.
Kaya nga naman, labis ang mga pagbobomba ng mga tao ng mga samu't saring tanong na kung saan nga bang media establishment maninilbihan si Kabayan kung sakaling babalik man siya.
Isa sa mga lumulutang na posibilidad ay ang pagsasama nila ni Kabayan sa Frontline Pilipinas, ang primetime news program ng TV5.
At dagdag pa sa dahilang ito, ang pag-alis ni Raffy Tulfo sa kanyang puwesto dahil tatakbo din ito bilang senador.
Matatandaang, namaalam nitong gabi ng Huwebes, Oktubre 7, sa mga manonood ng "TV Patrol" ang anchor na si Noli de Castro kasabay ng desisyon niyang sumubok na bumalik sa politika.
"Matapos ang malalim na pagsusuri at mataimtim na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang senador sa halalan sa susunod na taon," sabi ni De Castro sa pagtatapos ng programa.
"At dahil sa hakbang na ito, kinakailangang iwan ko ang 'TV Patrol' at ABS-CBN para ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa iba namang larangan," dagdag niya.
"Masakit mang magpaalam sa programang minahal ko at naging buhay ko, at sa mahabang samahan sa mga Kapamilya sa ABS-CBN, ako'y humaharap sa mga hamon sa panibagong yugto sa aking buhay."
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment