Wednesday, November 10, 2021

Pulis sa Benguet, Viral sa Social Media Matapos Mag Boluntaryong Maging Babysitter Habang Namalengke ang Ina ng Bata!


Maraming mga paghanga at papuri ang natanggap mula sa online community matapos nagpakita ng kabutihan ang isang pulis sa Benguet. 

Sa viral video na ibinahagi sa social media, makikita ang isang pulis na karga ang isang sanggol. 

Ayon sa ulat, pansamantala umanong binantayan ni Police Corporal Nimfa Camis ang sanggol para makapamili nang maayos ang nanay.

Si Corporal Camis umano ang nagbabantay  noong mga panahon na iyon sa mga customer ng Tiongson rolling store nang makita niya ang ina ng bata. 

Napansin umano ni Camis na hindi makapag focus ang ang ina ng bata sa pamimili sa palengke. Kaagad niya itong nilapitan at kinausap ito.

Dahil nga, bawal pang lumabas ang mga baby, nilapitan agad ni Camis ang babae at kinausap agad ito. 

Ipinaliwanag naman ng nanay na walang umano siyang ibang kamag-anak na pwedeng mapag-iwanan niya ng kanyang baby kaya niya ito sinama. Ito ay mabilis ding naintindihan ng pulis. 

Kaya naman, nagboluntaryo na lamang ang pulis na siya na ang magbabantay sa  sanggol para maayos din na makapamili ang nanay ng bata. 

Maayos na inalagaan ni Camis ang sanggol habang hinihintay ang nanay ng bata na namimili umano sa palengke para sa kanilang mga pangangailangan. 

Narito ang kabuuang post:

When the Tiongson Rolling store came into our municipality, residents took the opportunity to purchase  their necessities and provisions and the Kabayan MPS personnel conducted police presence in order to maintain public health standards and provided security assistance as well.


It was during this time that PCpl Nimfa B Camis spotted a mother carrying her baby who wished to purchase her groceries. 

Upon interviewing the mother why she  brought the baby with her as it is not supposed to be considering our current situation, PCpl Nimfa B Camis offered to carry her baby instead until the mother finished procuring her needs. 

Ang kwento ito ay nagpapatunay lamang na marami pa rin sa mga tao ngayon ang mas pinairal pa rin ang kanilang kabutihan at ang simpleng pagtulong sa kanilang kapwa tao.

Marami na rin sa ating mga kabataan ngayon ang labis na pinapangarap na maging isa sa mga pulis at magsilbi para sa kapayapaan at kabutihan ng ating lipunan. 

Kagaya na lamang sa kwento noon na nag viral sa social media matapos isang binatang nangangarap ang napasaya ng mga pulis matapos na tinupad ng mga ito ang hinihiling ng naturang binata.

Kahit sa loob lamang ng isang araw, hindi matatawaran ang saya na naramdaman ni Albert Abulencia na naranasan niya ang maging pulis. Noon pa man ay pangarap na nito ang maging alagad ng batas ngunit, mayroong malaking hadlang sa kanyang pagtupad nito.

Si Albert ay mayroong kinakaharap na sakit na pilit nitong nilalabanan. Ito ay may stage 4 na colon cancer na pilit din nitong tinutustusan ang pagpapagamot sa pamamagitan ng paglalako at pagbebenta ng fishball.


Para lamang sa kanyang buwanang chemotherapy, nasa humigit kumulang Php 50,000 ang kinakailangang pera ni Albert. Kaya naman, kahit na mayroong iniindang karamdaman ay nagsusumikap pa rin ito sa paghahanapbuhay.

Samantala, dahil naman sa sitwasyong ito ni Albert ay nagmagandang loob ang Calasiao National Police, sa pangunguna ni PLTCOL Ferdinand Z. de Asis na tuparin kahit papaano at kahit sa loob lamang ng isang araw ang pangarap ni Albert na maging isang pulis.

Sa loob ng isang araw, ipinaranas ng mga ito sa binata kung paano ang maging isang alagad ng batas. Pinasuot ito ng kanilang uniporme at naging bahagi ng mga kapulisan sa loob ng isang araw. Maliban dito, ipinaranas din sa kanya kung paano ang maging isang hepe ng mga kapulisan at ipinagkatiwala rito ang pamumuno sa kanila sa loob ng isang araw.

Source: trendypinoy


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment