Viral na viral ngayon ang post ng isang netizen sa Facebook matapos siya ay nagpunta sa isang shopping mall at nasalubong niya ang dating CEO noon na ngayon ay nagtatrabaho sa isang shopping mall.
Hindi umano inaasahan ng netizen na ang 81 years old na retail assistant ang magbibigay sa kanya ng payo sa buhay.
Sa post ng netizen na si Palakorn Tesnam mula sa bansang Thailand, isang matanda umano ang nagtanong sa kanya kung kailangan ba niya ng shopping cart.
Tinawag ni Tesnam na uncle Pracha ang matanda sa kanyang post at ikinuwento ang kanilang mga napag-usapan habang siya ay namimili.
Kwento ni Tesnam, si uncle Pracha ay 81 years old na at nagtatrabaho pa rin mula 9 am hanggang 7pm bilang isang retail assistant sa isang mall.
Sa kanilang kwentuhan, nabanggit ni uncle Pracha na meron siyang isang kompanya noon at mayroong halos 200 na empleyado.
Dagdag nito, wala umano siyang totoong kaibigan kaya nang bumagsak ang kanyang kompanya ay iniwan siya ng kanyang mga inakalang kaibigan.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging assistant ni uncle Pracha, nakagawian na umano ni uncle ang pakikipagkwentuhan at makinig sa mga istorya ng kanyang mga customers.
Samantala, isang makabuluhang mensahe ang ibinigay ni uncle Pracha kay Tesnam.
“Don’t drink alcohol, don’t smoke… Don’t be stressed, know how to let go.”
Sa kwentong ito, ipinapakita lang na hindi talaga natin malalaman ang takbo ng buhay. Maaaring magbago ang ikot ng kapalaran.
Kaugnay ng kwentong ito, nag nag viral din noon ang isang napakagandang kwento sa social media matapos ibinahagi ng isang dating aktres kung paano nagbago ang kanyang buhay.
Ayon kay Ala Paredes, ang buhay niya ngayon sa Australia ay tunay na magkaiba kumpara sa buhay niya noon sa Pilipinas.
Sa Pilipinas, noong 2006, isa si Ala Paredes sa mga kilalang sikat na model, blogger at video-jockey. Naging cover na rin siya sa mga magazines at starring din ang kanyang mukha sa mga naglalakihang mga billboards.
Ngunit, noong nagdesisyon daw ang kanyang pamilya na doon na tumira sa Australia, nagdalawang isip ang aktres dahil sayang ang kanyang maiiwan na magandang imahe sa Pilipinas.
Bago ang kanilang tuluyan na paninirahan sa Australia, isang sailing trip ang nakapagpabago sa isip ni Ala. Na-invite si Ala na manatili ng isang linggo sa barko para gawan ng blogs ang mga movements ng isang International team ng mga Environmental activists.
Sa pagkakataong ito, naisip ni Ala na ang "reality" na kanyang tinatahak ay masyadong "sheltered" kumbaga ang direksyon ng kanyang buhay ay masyadong "predictable." Dito na nakapag desisyon ang aktres na kailangan niyang kumuha ng ticket papuntang Australia.
Ngunit, pagdating ng aktres sa Australia, hindi siya nag expect na ganoon ang magiging buhay niya. Pinagdudahan pa mismo ang kanyang pinag-aralan at ang kanyang mga professional experiences noon sa Pilipinas.
Ayon sa aktres, minsan na rin siyang natanggal sa isang trabaho bilang sandwich hand dahil nagkulang siya sa Australian bread-slicing qualifications.
Parang nadepress umano ang aktres sa nangyari sa kanya dahil unexpected ang lahat. Ngunit sa pagkakataong iyon, may isang nakakatandang imigrante ang lumapit sa kanya at sinabihan siyang:
“This is the game you must play, sabi niya. “Things are different here. Make your CV as plain as possible. Just do anything you can to get your first job. After that, things will be easier."
Dahil doon, parang muling nabuhayan ng loob ang aktres. Binura niya ang lahat ng mga colorful career history niya sa kanyang CV. Nagpakilala siya as "fresh graduate" na may good communication skills at may willingness na matuto.
Isang local cafe ang tumanggap kay Ala. Ayon sa kanya, first time niyang masubukan ang ganitong klase ng trabaho.
"I made coffee, mopped floors, took out the rubbish, and cleaned toilets. I served people who were nice, and people who were nasty. At the end of the day, I would collapse in a heap, smelling like sour milk and stale espresso.And I loved it," pahayag ng aktres.
"I saw in that job the small beginnings of a new life, the first few bricks being laid down with my own hands. It was my life, not anyone else’s. The anonymity that once made me feel invisible now felt liberating. I was nobody, and I was free."
"Perhaps immigrants are always divided: proud and grateful for what they’ve built, but never forgetting what they gave up for it. It is not exactly regret that we feel, but a longing to somehow unify the past and present into a picture that makes sense," dagdag pa ni Ala.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment