Panibagong "Pinoy pride" na naman ang nagwagi sa The James Dyson Award, isang prestihiyosong International Design Campaign.
Si Carvey Ehren Maigue, isang Mapua University Manila student ang kauna-unahang itinanghal bilang winner ng "The James Dyson Award" for Global Sustainability.
Ito ay isang International Design Competition na bukas sa lahat ng mga engineers mula sa 30 na bansa worldwide.
Ang kompetisyong ito ay pinapatakbo ng "The James Dyson Foundation," 'behind the name' sa sikat na brand na Dyson.
Tinalo ng 27-year old na estudyante mula sa Pilipinas ang mahigit 1,800 countries mula sa mga bansa sa kanyang groundbreaking na idea, ang AuREUS.
Ang AuREUS ay isang renewable energy system na ginagamit para sa mga bintana at mga walls ng mga buildings.
Ang bagong materyal na kanyang naimbento ay mula umano sa mga nabubulok na mga gulay at prutas.
Ina-absorb umano ang nito ang ultraviolet (UV) light mula sa araw at maari na itong i-convert sa electricity.
Hindi naman panibago ang ganitong mga imbensyon. Ngunit, ang imbensyon na ito ni Maigue ay kakaiba dahil gumagana pa rin ito kahit hindi nakakatanggap ng init mula sa araw.
Ayon sa ulat ng Rappler, nakuha ni Maigue ang kanyang inspirasyon mula sa Northern lights.
[Particles are derived from fruits and vegetables and suspended in a resin substrate. When hit by sunlight, the particles absorb and emit light along the edges. Then, the light is captured and converted to electricity.]
“AuREUS is impressive in the way it makes sustainable use of waste crops, but I’m particularly impressed by Carvey’s resolve and determination,” sabi mismo ni Dyson.
Bilang gantimpala kay Maigue sa kanyang natatanging imbensyon, nakatanggap siya ng USD 39,972.
“Winning the James Dyson Award is both a beginning and an end. It marked the end of years of doubting whether my idea would find global relevance. It marks the beginning of the journey of finally bringing AuREUS to the world,” pahiwatig ni Maigue.
Tunay talaga na hindi matatawaran ang galing ng Pinoy. Kakaibang talento at pang world class ang talento ng mga Pinoy.
Matatandaan, nag viral din noon ang isang Pinoy rin na nakaimbento ng kanyang kauna-unahang 'flying sports car' sa Batangas.
Ang former dancer at camera operator na si Kyxz Mendiola ay nagpalipad ng kanyang tinatawag na "flying sports car" na kung saan sinabi niyang ito ay nagrerepresenta ng future system ng transportation.
Sa lugar ng Batangas, dito ipinamalas ni Kyxz ang kanyang flying sports car habang sakay siya dito na isang "multicopter" ang nagpapalipad nito na siyang ginagamit sa mga maliliit na "unmanned drones."
"It was amazing," sinabi ni Mendiola sa naging panayam sa Reuters matapos niyang sabihin na ito ang kauna-unahang test flight ng kanyang imbensyon.
"All the hard work paid off," dagdag pa ni Kyxz.
Ang machine ni Mendiola ay pinangalanang "Koncepto Milenya" na kayang lumipad hanggang 6.1 m (20 ft) at may speed na 60 kph (37 mph).
Ngunit ang lipad nito ay nagla last lang ng over 10 minutes (but just little over 10 minutes)
Ayon kay Mendiola, matagal din na panahon niyang pinag-ipunan ang funds na ginamit niya para pambili ng mga components ng single-seater (powered by six lithium-ion batteries na may portable radio frequency controller.
Press a button and it will go up, then push the stick forward, it goes forward. It's very smart, that's why I'm saying it has a lot of potential," sabi ni Mendiola.
Ang nasabing machine ay pwedeng kumarga ng hanggang 100 kg (220 lbs)
"When we have to go somewhere about an hour's drive, this can take you there in five minutes," aniya.
"An added safety feature is that the craft's 16 rotary motors allow it to keep flying, even if one or two fail," dagdag pa niya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment