Thursday, December 23, 2021

Isang British National, Ninakawan Matapos Mamigay ng mga Relief Goods at Libreng tubig para sa mga Nasalanta ng Bagyong Odette!


Nagdulot ng matinding pinsala at hinagpis ang bagyong Odette sa mga apektadong bahagi ng Pilipinas gaya ng mga lugar sa Visayas at Mindanao. Halos buong lugar ng Visayas ay naapektuhan ng super typhoon Odette. 

Kaya naman, matapos ang pananalasa ng bagyo sa iba’t ibang lugar, marami sa ating mga kababayan ang agad na gumawa ng kani-kanilang mga donation drives para matulungan ang mga taong labis na naapektuhan.

Ngunit, nakakatuwa mang isipin na marami pa ring mga tao ang bukas-palad na tumulong para sa mga apektado ng bagyong Odette, hindi pa rin maiiwasan na marami rin ang mas pinapairal ang kasamaan at pagiging makasarili ng isang tao. 

Sa Dumaguete City, isang British national ang ninakawan matapos mamigay ng mga relief goods sa mga pamilyang apektado ng bagyo sa Negros Oriental.

Ang biktima ay kilala sa pangalan na Graham Beard. 

Si Beard ay kasalukuyang naninirahan sa Dumaguete City, Negros Oriental at nagpunta sa Brgy.2 Bais City para mamigay ng libreng tubig at food packs sa mga indibidwal na apektado ng bagyong Odette.

Ayon kay Jhonus, hindi niya tunay na pangalan, na siyang nakakakita ng nasabing insidente, naging maayos naman ang kanilang relief operations. Marami ang pumila sa car na Beard, pinaglalagyan ng mga food packs at tubig, para makatanggap ng mga food pack at libreng tubig.


“He was busy giving relief goods while a group of men was coming to him closer. At first, he gave these men relief goods, they went back to their houses and come back again to the foreigner. 

Then they are signaling each other. It seems they already planned it when they knew the foreigner is new to the place,” sabi ni Jhonus. 

Matapos ipamigay ni Beard ag mga food packs at libreng tubig, dito na niya napansin na nawala na ang kanyang wallet.

“At first he tried to look at his car but seems he remembered that it was just in his pocket. He looked on the ground to check if it fell. But he couldn’t see it so he drove to the police station,” sabi pa ni Jhonus.

Hindi alam ni Jhonus ang mga pangalan ng mga taong involve sa nasabing robbery incident dahil hindi pamilyar sa kanya ang mga mukha ng mga lalaking iyon sa kanilang barangay.  

“I felt so embarrassed. The man was here to help us but in the end, he was victimized,” aniya.

Sinabi rin ni Police Staff Sergeant Junmar Tag-at ng Bais Police Office sa INQUIRER na pumunta umano si Beard sa kanilang station para i-report sa awtoridad ang nasabing incident.

Naawa si Tag-at sa British national sa nangyari at lalong lalo na ang kanyang mga identification cards ay nasa loob ng kanyang wallet.


Hindi na rin dinis-close pa ni ni Beard sa police station kung magkano ang laman ng kanyang wallet.

“What is he after only his BDO cards, Philippine residency ID at US at PH driving IDs.”

Paalala ni Tag-at sa mga indibidwal na may planong mag-organize ng relief operations, mas mabuti na makipag-coordinate sa mga authorities para sa safety ng lahat.

Isa ang Bais City sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Odette. Paubos na ri ang suplay ng kanilang tubig at pagkain sa kanilang lugar. Ang Bais City ay nangangailangan ng mga in-kind donations ngayon. 

Source: inquirer

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment