Hindi na nakapagtimpi ang aktres na si Kris Aquino sa mga pambabatikos na natanggap niya matapos niyang isapubliko ang ginawang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Sa isang post, sinabi niya na kahit pasko ay hindi niya ipagkibit-balikat ang mga sinasabi laban sa kanya.
“Kahit PASKO, sorry I’m not a bit sorry, PASENSYAHAN tayo. Sa mga haters and bashers, obvious ba, I’m not my brother who was too humble and proper for his own good, who chose to suffer in silence kaya namihasa na lang kayo,” ani Kris sa mahabang post sa Instagram.
Sinagot rin ng aktres ang mga bumabatikos sa kanya sa mga post niya tungkol sa pagtulong niya sa mga biktima ng bagyong Odette.
Aniya pa, hindi siya dapat pagsabihan ng mga tao na huwag isapubliko ang kanyang pagtulong para sa mga nasalanta.
“Alam ko na babanatan ako ng mga ilan dahil sa posts ko BUT did you think maaawat n’yo ako? Bakit n’yo ako tuturuan to quietly help? Hindi ko ninakaw ‘yong perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa,” sabi niya pa.
Alam niya rin daw na sa pamamagitan ng kanyang pag post, marami ang mas ma e-engage na tumulong sa kanilang kapwa.
Paliwanag rin niya na hindi pamumulitika ang pakay niya at sadyang pink lang talaga ang paborito niyang kulay.
“Some are accusing me na namumulitika ako – hello? Kandidato ba ako? Purposely cropped out ‘yong kandidato na kasama ko. ‘Yong kulay ng suot ko, sa dating bahay pa lang namin alam n’yo na, favorite color ko."
Paalala niya pa sa bashers, palaban ang Aquino na kanilang kinahaharap. “Iba na ang panahon because haters, bashers, and trolls YOU are now getting the AQUINO you super deserve dahil 6 years old pa lang, PALABAN na ‘ko.”
“And to my loyal friends, followers, and supporters, basta hindi feeling perfect na mapanghusga, you’ll also receive what you deserve, ‘yong for life kong pangako na sa oras ng pangangailangan, gagawan ko ng paraan na ako’y inyong maaasahan & #lovelovelove tayo habang buhay.”
Isa rin sa binatiko noon ay ang aktres na si Angel Locsin matapos ginawa niya ang kanyang community pantry.
Maraming mga tao ang dumagsa sa community pantry noon ni Angel at nagtiyagang pumila para may madala sa kanila pag-uwi. Isa na dito ay ang isang senior citizen na lalaki.
Naging trahedya nga lang ang nangyaring pagtulong nang may napabalitang lalaki na nahimatay sa kalagitnaan ng kanyang pagpila. Ang sinasabing lalaki ay si Rolando dela Cruz, 67 taong gulang.
Agad namang may nakarating na rescue sa Barangay Holy Spirit lugar na kung saan nangyari ang trahedya. Isinugod agad si tatay Rolando sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.
Mabilis na kumalat ang balita sa social media at may mga netizen na nagbigay ng kanilang mga pahayag at sinabi na kasalanan daw lahat ng aktres ang nangyari. Walang pwede sisihin kundi ang aktres lang.
“This is how the “Laos” star works..whose intention is very mystical...instead of a helping hand...look at the end result. DEATH FATALITIES.”
“Hindi ka nakatulong. Ginawa mo naman ulit. You are a covid spreader.”
“Ilang bese ka na ba nag violate? Kaya dumami case ng covid dyan sa Pinas dahil dun sa rally na ginawa mo! Ngayon pa ba? Tsk. Dinaan nyo naman sa community pantry! Duh.”
Agad naman nag post sa social media si Angel at inako na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni tatay Rolando at humingi rin siya ng tawad at pasensya sa pamilya ng namatay at nangako na ipa-priority ang pagtulong sa kanila.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment