Monday, December 27, 2021

Masayang Gender Reveal Noon, Napalitan ng Isang Malungkot na Lamay!


Labis na nadurog ang puso ng maraming mga netizen sa viral TikTok video ni Lilian mula sa Batangas na kung saan ang masayang gender reveal ay napalitan ng malungkot na lamay. 

Kwento nito sa Philippine Star, isa sa mga maging hobby nito noong nagbubuntis siya ay ang mag-TikTok. 

Habang nagbubuntis, ibinahagi pa nito sa naturang social media app ang kanyang masayang pregnancy journey kung saan ipinakita rin nito ang mga nabili niyang mga kagamitan para sa kanila sanang baby boy.

Naging masaya ang lahat sa natanggap na balita, hanggang sa sumailalim ito sa ultrasound sa ika-36 na linggo ng kanyang pagbubuntis. 

Dito, nalaman niya na hindi pala tumitibok ang puso ng kanyang sanggol.

Laking gulat ng magkasintahan dahil sa normal naman daw ang pagbubuntis nito. 

“Nung lumabas siya (last October 27) , dun namin nalaman na nakapulupot ‘yung umbilical cord niya sa leeg niya and ‘yun ‘yung cause of death niya,” kwento ni Lilian.

Sa ngayon, patuloy namang nagiging matatag si Lilian at ang asawa nito sa kabila ng pagsubok na naranasan. 

“Hindi kami nawawalan ng pag-asa na magkaroon ulit ng baby kasi alam naming na kung para sa amin ay ibibigay yon ni God,” ayon kay Lilian.  

Mabilis na nag viral ang nasabing TikTok video at kasalukuyan na itong humakot ng 11 million views. 

Kaugnay ng balitang ito, labis na nakakalungkot na balita ang nag viral sa Facebook noon tungkol umano sa isang ina nag post ng kanyang paghihinagpis nang mawala sa kanya ang kanyang pinakamamahal na mga kambal na “acardiac twin.”

Kwento ng ina na si Clyssa Jel Luzanna, hindi pa raw siya makapaniwala noong una na nagdadalang tao siya dahil akala niya umano na baog siya. At para maka siguro kung totoo ba ang kanyang hinala na buntis siya, ginawa niya ang pregnancy test ng tatlong beses para lang ma-confirm talaga niya na siya ay buntis.


Ibinahagi pa niya umano ang larawan ng resulta ng kanyang ultrasound nang 14 weeks na niyang dinadala ang bata sa kanyang sinapupunan. Sinabi rin niya na grabe umano ang kanyang pamamayat at kasama na rin daw ang pagkahilo.

Sa isang photo na kanyang pinost, nakasaad doon na ang nakita sa kanyang ultrasound ay single fetus lang. Masayang masaya noon si Clyssa dahil baby girl umano ang kanyang pinagbubuntis. Ngunit sa pagkakataong ito, tinanong daw siya sa nag ultrasound sa kanya na kung alam ba niya na mayroon siyang bukol sa kanyang matres.

Labis na nag-aalala noon si Clyssa dahil noong unang ultrasound daw niya ay wala namang nakitang bukol nang lumabas na ang resulta.

Hanggang sa nagpa check-up ulit siya at doon na nakita na kambal pala ang kanyang dinadala. “Wala ba talagang nakita na kambal? Sino ba yung doctor mo? Grabe wala talagang nakita?” paulit-ulit itong sinabi ng nag ultrasound kay Clyssa.

Ngunit, sabi naman noon ni Clyssa na talagang mahirap i-identify kung sanggol ba iyon or bukol lang sa kanyang matres dahil hindi talaga makikita ang bata, parang bukol lang umano ito. Laking pasalamat naman ni Clyssa dahil wala naman siyang naramdaman noon na kakaiba. Hindi rin daw kumirot man lang ang kanyang tiyan dahil sa kanyang bukol sa matres, ngunit nariyan pa rin daw ang kanyang pag-aalala. 

Noong buwan ng June, nagtaka raw si Clyssa dahil parang umus-os daw ang kanyang tiyan at nasa kanyang isipan na raw noon ay baka malapit na siyang manganak kahit sa buwan ng Setyembre pa ang kanyang due date. Nag search pa umano siya sa google sa kung ano ang mga signs na malapit na manganak ang isang babae, isa na rito ay kapag umus-os na ang tiyan.

Noong June 24 lang ay hindi inakala ni Clyssa na mag e-early labor pala siya. At noong June 25, noong umihi siya ay nagtaka siya dahil may spotting umano. Mabuti na lang daw dahil sa araw na iyon nandoon ang kanyang OB.

Matapos ang masusing check-up sa kanya, nagdesisyon na ang mga doctor na i-admit na si Clyssa dahil nang nagpa IE umano siya ay nasa 3cm na. Inamin din ni Clyssa na bago siya inadmit ng mga doktor, natakot siya dahil hindi pa ang oras ng kanyang panganganak at siya lang umano mag-isa sa bahay. Meron din daw siyang komplikasyon sa kanyang puso at takot rin daw siyang magpa RT-PCR test.


Noong June 26, alas 10 ng gabi, nagsimula na ang labor ni Clyssa. Hindi raw niya mapigilan ang sakit. 

Maayos naman ipinanganak ni Clyssa ang kanyang kambal. Noong nasa delivery room pa raw siya, doon lang niya nalaman na kambal pala ang kanyang isinilang. Kaya ganun na lamang ang sakit na kanyang naramdaman matapos niyang ipanganak ang kanyang kambal. 

Ngunit, ang lahat ng kanyang sakripisyo para lang maayos niyang maisilang ang kanyang kambal ay nauwi rin sa wala ang lahat. Ibinahagi pa ni Clyssa ang larawan ng kanyang baby girl (buhay pa ito noong lumabas) at nasaksihan pa nga raw mismo ni Clyssa ang mga magagandang mata nito.

Source: gophilippines

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment