Friday, December 24, 2021

Netizen, Nagpost sa Social Media na May mga Nasawi na Dahil sa Dehydration sa Siargao!


Hanggang ngayon, hindi pa rin lubos na maisip ng mga taong apektado ng bagyo ang kanilang sinapit dulot ng mabangis na hagupit ng bagyong Odette. 

Marami sa ating mga kababayan, lalong lalo na sa mga taga Visayas at Mindanao, ay dahan-dahan pa rin nilang tinatanggap ang kanilang sinapit. 

Maliban sa mga naiwang sirang bahay, mas nakakalungkot ang iwanan ka ng iyong mahal sa buhay dulot ng bagsik ng bagyong Odette. 

Isa ang Siargao sa mga apektadong lugar ng bagyo. Marami sa mga tao ang nawalan ng kanilang mga bahay at iba pang mga ari-arian. 

Ang pinakamasakit dito ay, nasira na nga ang bahay, nawala na lahat lahat, pati rin mahal mo sa buhay nasawi dulot ng kalamidad. 

Sa isla ng Siargao, matapos ang nangyaring bagyo, ang mga tao ay nakakaranas ng kakapusan sa pagkain at lalong lalo na sa tubig. 

Isang nakakalungkot na balita ang natanggap natin mula sa Siargao matapos kumalat sa social media ang post ng isang netizen na iilan na ang mga nasawi doon hindi dahil sa bagyo kundi sa dehydration. 

Mabilis na kumalat sa social media ang post na ito at marami na rin ang nagpaabot ng kanilang tulong para sa mga nasalanta ng bagyo. 

Basahin ang buong post ng netizen sa Facebook:

PEOPLE ARE DYING FROM DEHYDRATION IN SIARGAO!!!! 

I asked permission from miss Loren to post her photos, she's a local in Siargao. We're calling out all the water refilling stations to donate DRINKING WATER for the people in the island. DONATE DONATE DONATE.

WE ARE ON THE RUN FOR A DONATION DRIVE FOR SIARGAO ISLAND. 1ST BATCH HAS BEEN SENT. 2ND BATCH WILL BE SENT THIS DEC 26 PLS DONATE. WE WILL GIVE THE GOODS PERSONALLY. IF YOU ARE HESITANT, PLS CHECK MY RECENT POSTS 🙏🏼💚

GCASH: 09560847532


Kamakailan lang, ntong December 21 lang, sa kanilang video sa kanilang Facebook page na “The Ahern Family,” ibinahagi nila sa social media ang matinding pinsala na dulot ng bagyong Odette sa lugar ng Bohol.

Nag post na rin sila sa social media para manghingi ng mga relief goods para sa kanilang kababayan sa Bohol na labis na naapektuhan sa bagyong Odette.

Maliban sa mga sirang bahay, wala ring kuryente sa lugar at ang mga daanan ay punong puno natumba at naputol na mga kahoy dulot ng matinding hangin na dala ng bagyo. 

Makikita rin sa kanilang video ang bayanihan na ginawa ng mga Boholanos sa pagputol ng kahoy gamit ang kanilang mga machete para mas mabilis na maalis ang mga nakaharang sa daan at mas mapapadali pa ang mga relief operations. 

“So, basically, guys, update is we cannot leave here basically in the car because there's nowhere to get down the road,” Brian said in the video.

“We have an uncle and kuya from Ubay who said that only motorcycles can get through right now, even on the main road…which is gonna leave shortage for anything you can imagine for all the businesses, all the food, and everything being transported on the road,” he adds. “So, this is gonna slow down absolutely everything here in Bohol.”

Sa mismong caption ng kanilang video nakiusap si Jodalyn ng mga in-kind donations para sa kanyang mga kababayan sa Bohol. Ngunit ang mahirap lang, gugustuhin man nilang tumulong pero medyo mahirap pa ito gawin ngayon sa kanilang lugar. 


Ang hirap makakuha ng pera sa bangko or sa remittance (center). Limited lang ang makukuha and taas kaayo ang pila jud,” Jodalyn revealed.

(“It is hard to get money from the bank or remittance center. You can only get limited cash and the queue is very long,” Jodalyn revealed.)

Nakiusap muli si Jodalyn na kung sino man ang may access sa mga airports para mag donate at mag-ship ng mga pagkain at tubig para sa kanyang mga kababayan sa Bohol. Tubig at pagkain ang pinaka kinakailangan ng mga kapwa niya Boholanos ngayon. 

“So, we are humbly asking help sa mga taga-Manila or places that have easy access sa airport…kahit ilang kilong bigas lang po…at mapadala dito sa Bohol po para ma distribute namin dito sa mga nangangailangan ng pagkain po,” saad niya sa kanyang caption. 

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment