Saturday, December 25, 2021

Wilbert Tolentino to Madam Inutz Matapos ang Positive Nomination sa PBB: "Hindi marunong mag strategize"


Mainit init pa ang isyu ngayon matapos nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Wilbert Tolentino matapos ang positive nomination sa PBB Season 10.

Ito ay matapos ang kanyang talent na si Madam Inutz ay isa sa mga nominado na naman para sa eviction ng PBB Season 10.

Ang mga housemates ay binigyan ng chance na tanungin kung sino sa tingin nila ang karapat dapat mag stay sa loob ng bahay sa isang "positive nomination."

Ibinigay ni Madam Inutz ang kanyang 2 points kay Brenda Mage at sinabing naniniwala siya na si Brenda ang nagbigay ng kulay sa kanya sa loob ng bahay simula pa noong una. 

Labis din niyang na-appreciate ang mga naging contributions ni Brenda sa mga previous tasks.

Wilbert Tolentino: "Hindi marunong mag strategize si inutz! tungengak din. wheeeeiw! indi nga cya binigyan ni Brenda. kaya wala na! Asin nalang nga ulam ko hanggang year 2025," sulat ni Wilbert sa kanyang post.

Si Wilbert din ang nagbigay ng malaking halaga para ma-save si Madam Inutz noong naging isa rin siya sa mga nominado nitong mga nakaraang linggo. 

Matatandaan, matapos sumikat si Madam Inutz, ang isang online seller na naging instant vlogger dahil sa kanyang live selling na dinudumog ng maraming mga netizens ngunit wala namang nag ma-mine ng mga paninda nito, marami na ngayon ang nais makipag-collab kay Madam Inutz.

Ngunit, dahil nga may nagma-manage na kay Madam Inutz, kinakailangan muna na dadaan kila Momshie Wilbert kung may ganitong request ng mga collab videos.

Dahil sa mga kaganapang ito, marami tuloy ang nagbigay ng kanilang mga espekulasyon na sinasamantala lang umano ni Momshie Wilbert ang bagong nakuha nitong talent.

Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga tao, dinepensahan umano ito ng isa sa mga kilalang mga talent managers na si Ogie Diaz o mas kilala rin sa tawag na Mama Ogie.

“Feeling ko, hindi naman sinasamantala ni Wilbert si Madam Inutz dahil katunayan, weird ang pagma-manage ni Wilbert kasi hindi siya kumukuha ng komisyon bagkus binibigyan pa niyang pera si Madam Inutz,” pagdedepensa ni Ogie kay Momshie Wilbert sa kaniyang Showbiz Update channel.


“Kasi ang kasulatan nila ay tutulungan niya si Madam Inutz sa abot niyang makakaya sa career nito. Kahit anumang dumating na proyekto ay hindi siya ka-cut. ‘Yung komisyon niya ay ibibili na lamang ng gamot ng nanay niya at itutulong sa kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Ogie.

Ayon pa kay Mama Ogie, naintindihan niya umano ang pamamaraan ni Momshie Wilbert dahil alam niya bilang isa ring talent manager, ayaw niyang i-bypass siya ng kung sinuman ang nais mag-inquire o makikipag-collab sa kanyang alaga.

Ang balak rin ni Momshie Wilbert na ibalik si Madam Inutz sa kanyang pag o-online selling na kung saan siya unang sumikat at nakilala ng maraming mga tao.

Sa kabilang banda, nag viral din ang video ni Ethel Booba na kung saan kasama niya sina Boobsy Wonderland. Maraming mga netizen ang napatanong na kung ito ba ay patama nila kay Momshie Wilbert.

Sa video kasi ay makikitang hinahabol ni Boobsy si Ethel para magpa-picture ngunit pinagbawalan dahil wala raw silang appointment. Bukod pa rito, nabanggit rin ang ni Boobsy ang salitang “inutz”.

Sey naman ni Ethel sa Tiktok video, “Eh ano kung ayaw ng management? Hindi naman ako ganung tao, di naman ako katulad ng iba.”


Sa pagkakaalam ni Ogie, balak daw pumunta nila ni Ethel Booba sa bahay ni Madam Inutz at may mga dala pa itong mga regalo para ibigay umano sa ina ng social media star.

Ngunit, nabigo ang team ni Ethel Booba dahil hindi ito pinayagan ni Momshie Wilbert matapos pinaalam ni Madam Inutz ang tungkol dito.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment