Masayang ibinalita ng dating TV host-actress na si Danica Sotto at ang dalawa nilang anak ni Marc Pingris na sila ay certified COVID-19 survivors.
Nagpositibo sa coronavirus si Danica nitong nakaraang dalawang linggo pati ang mga anak na sina Michael at Caela.
Kahapon lang, nag post ang anak nila ni Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie sa Instagram ng kanilang family photo kalakip ang goods news na sabay-sabay silang naka-recover sa nasabing nakakahawang virus.
“Healthy and Covid free!!!! Thank you Lord for your healing!!!!” ang bahagi caption ni Danica sa kanyang IG post kung saan ipinakita rin niya ang kanilang mga negative test results.
Kuwento pa ng aktres, nag positibo siya sa COVID-19 dalawang araw matapos siyang maturukan ng booster shot.
Akala umano niya noong una ay nakaranas lamang umano siya ng side effects mula sa booster shot pero nagka sore throat na siya at sumakit ang kanyang buong katawan.
Kaya, nagdesisyon si Danica na magpa RT-PCR dahil mayroon na siyang nararamdaman na mga sintomas ng COVID-19.
Bukod nga rito, pati ang mga anak nila ni Marc ay naka-experience rin ng sore throat, pananakit ng katawan at lagnat.
Todo naman ang pasasalamat ni Danica na hindi nahawa ang kanyang asawa na si Marc Pingris at ang kanilang mga kasambahay.
Basahin ang buong post ni Danica sa kanyang Instagram account:
“I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot. I thought side effects lang ng booster but when I woke up with sore throat and body aches I knew I had to take another test at yun na nga nag positive na.
“The kids started having symptoms 2 days after I had mine. They had sore throat, body aches and fever. Thankfully Marc and our helpers/angels at home were spared at wala na nagkasakit pa. I’m just so glad that it’s finally over! THANK YOU LORD!!!!
“Thank you to our Super Dad @jeanmarc15 for taking care of us! Love you! Thank you to my family and friends who kept messaging us. Thank you so much for your prayers. Thank you to our Doctor friends at sorry sa pangungulit,” aniya pa.
“Things I learned from this experience:
*Pray and stay strong! God is our healer amd he wants us well.
*Having a healthy body is so important! Mas mabilis ang recovery and pls get vaccinated. *Listen to your body. Get tested after a few days when you feel something is off or when you are exposed to someone who is positive.
*If you have no way of getting tested and you know you were exposed or might be positive, pls stay home! Mag self quarantine ka na.
*Get help. There’s nothing to be ashamed of. Mas ok if may nasasabihan ka.
*Take your supplements like Vitamin D, Zinc, Vitamin C.
*Follow the quarantine guidelines. Even if you feel ok na, tapusin ang quarantine. Some symptoms show up after 2-3 days pa.”
“Sending virtual hugs and prayers to those who are still sick and recovering. Stay strong. God will help you get through your battles.
“Isaiah 41:10…So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand,” ang pagbabahagi pa ni Danica.
Ilan pa sa mga kilalang personalidad at celebrities na naibalitang nag positibo rin sa COVID-19 ay sina 2015 Miss Universe, Pia Wurtzbach, Arnold Clavio, Ina Raymundo, Iya Villania, Karen Davila, Vico Sotto, Tuesday Vargas at marami pang iba.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment