Usap-usapan ngayon ang aktor na si Enchong Dee matapos ang balita na nagtatago umano ang aktor sa kanyang kasong kinakaharap.
Tila missing in action ngayon ang aktor matapos masangkot ang kanyang pangalan sa isang cyberlibel case laban kay Rep. Claudine Bautista-Lim.
Sa ngayon, wala ng paramdam ang Kapamilya aktor na si Enchong Dee.
Ito ay matapos magbitiw ang aktor ng mga mapanirang salita tungkol umano sa magarbong kasal ni Claudine sa Balesin Island Club Resort sa Polillo, Quezon.
Si Claudine ay ikinasal sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim via civil wedding noong February 20, 2021 at sa Balesin noong July 28, 2021.
Sa isang controversial tweet umano ng aktor, binabatikos niya ang napaka magarbong wedding ni Rep. Claudine at sinabi pa niya, ito ang pera na galing sa mga "commuters at drivers" na ginamit sa event.
Nabanggit din ng aktor na isa si Bautista-Lim sa mga bumoto para ipasara ang ABS-CBN network na kung saan doon nagtatrabaho ang aktor.
Kalaunan ay humingi naman ng tawad ang aktor sa sinabi niya kay Bautista-Lim. Inamin niyang "reckless" lang daw siya sa time na iyon.
Ngunit sa reklamong inihain ni Claudine, “Enchong went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that ‘The money for commuters and drivers went to her wedding’, to the detriment and injury to my honor and name…”
“The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official,” dagdag pa niya.
Humihingi si Claudine ng moral damages na nagkakahalagang ₱500,000,000 kasama ang exemplary damages na nagkakahalaga rin ng ₱500,000,000.
Bagama’t inamin niya nakarating sa kanya ang public apology ni Enchong tungkol sa isyu noon, ngunit sinabi niyang hindi umano ito sapat.
“He was not sorry to me and for the damage that he has done. He just wants to deflect, albeit unsuccessfully, this criminal charge against him…”
“This does not do any good for him. It only bolstered and magnified his admission of guilt beyond reasonable doubt for his unprovoked and baseless libelous remarks," pahayag ni Lim.
Isinalaysay ni Claudine na August 16, 2021 nang magulantang siya sa sunod-sunod na text messages at private messages mula sa mga kapamilya, kaanak, at kaibigan.
Kamakailan lang, naging malungkot ang pasok ng 2022 para sa aktor na si Enchong Dee dahil sumampa na umano sa korte ang kasong cyberlibel na inihain sa kanya ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, party list representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.
Tiyak na malaking abala sa aktor ang pag-attend sa hearing dahil isinampa umano ang kaso sa korte sa Davao Occidental.
Nanatiling tahimik si Enchong na karaniwang madalas mag post sa social media ng kanyang mga saloobin tungkol sa iba't ibang isyu.
Ang reklamo ay kaugnay umano sa mga malisyoso at mapanirang mga salita na ginawa ng aktor sa pamamagitan ng pag post sa social media tungkol sa kasal ng negosyanteng si Jose French "Tacker" Lim na ginanap sa Balesin Island Club, isang exclusive resort sa Quezon.
Sinabi ni Rep Bautista-Lim na malaking kasiraan sa kanyang pangalan at karangalan ang naging post ni Enchong sa social media.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment