Ibinahagi ni Harlene Budol o aka "Hipon Girl" ang kanyang naging karanasan sa mga isyung 'utang' sa kanyang Instagram stories.
Ayon sa kanya, ayaw na niyang magpautang sa ibang tao dahil mahirap ang mag demand ng payment sa mga taong nagkakautang sa kanya.
"Isa sa mga natutunan ko ayoko na mag pautang nakakahiyang maningil parang ending ikaw pa yung mali," sulat ni Harlene sa kanyang post.
Sa post ni Harlene, tiyak maraming mga netizen ang nakaka-relate sa kanya kaugnay ng isyu sa mga utang.
Sa isa pang post na nag viral noon tungkol kay Harlene, isa siya sa mga napag-usapan sa social media tungkol sa isyu na kung saan dawit si Willie Revillame.
Kalat na kalat noon ang usap-usapan tungkol sa napansin ng maraming mga netizen ang biglaang hindi na pagpapakita ng isang sikat na dancer na pinangalanan nilang "Hipon Girl."
Agad naman nilinaw ni Willie ang isyu sa publiko dahil marami ang gigil na gigil kung totoo nga ba ang isyu na ang dahilan ng pagkawala ni Hipon Girl sa Wowowin ay dahil umano nabuntis ito ni Willie Revillame.
Ngunit, agad nagsalita si Kuya Will at kinlaro niya sa Wowowin nitong Huwebes na fake news lang ang lahat.
"Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo 'yan. Puro fake news ang ginagawa niyo," sinabi ni Kuya Will.
Hindi lang ito ng unang beses na nagkaroon siya ng isyu na relares dito. Noong mga araw din ay pinaratangan siyang nakabuntis sa isang sikat na aktres na si Kris Aquino.
"Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik," sabi ni Kuya Will.
Nagpahayag din si Willie Revillame na kung nararapat bang paabutin pa ito sa NBI at sampahan ng kaso kung sino man ang nagpakalat umano ng fake news.
Sinabi ni Willie na ang dami ng fake news na kumakalat ngayon kaya huwag agad naniniwala sa mga nakikita lang sa online.
Si Harlene Nicole Budol ay isang comedian, actress at host sa Wowowin. Unang nakitaan ng potensyal ni Willie Revillame si Harlene na siya ay gawing regular host sa Wowowin.
Ang pagkalat ng balita online ay isang malaking paglabag sa batas. Dapat sa panahon natin ngayon kailangan natin na maging responsable sa paggamit ng mga social media accounts.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment