Pinagkakaguluhan na ngayon sa social media ang viral na video ng isang retired pulis na kaalitan umano ang ilang kabaranggay na nag-iinuman.
Makikita sa video na may dala itong isang mahabang bagay na ayon sa nagrereklamo ay ginamit niya ito upang tagain ang speaker.
Samantala, sa pakikipag-usap ni Atty. Gareth tungkol kay "Mang Boy," sinabi niya na na flat iron umano ang hawak niya sa nag viral na video.
Ngunit, ayon kay Atty. Gareth, base umano sa video, mukhang hindi flat iron dahil may malaking handle ang bagay na hawak niya.
Ayon kay Mang Boy, pinagsabihan na umano niya ang mga ito na hinaan ang kanilang tugtog dahil aniya ay sobrang lakas na nito.
Gayunpaman, narinig niya umanong sinabi ng isa sa kanila na hayaan lang siya dahil "retarded" na umano ito. Nagtawanan pa umano ang mga ito.
Itinanggi ni "Mang Boy" na sandata umano ang kanyang hawak na bagay. Aniya, bakal lang umano ang kanyang hawak.
Ayon sa nagrereklamo, nangangamba sila para sa kanilang buhay dahil nakarinig umano silang may pagbabanta ito.
Gayunpaman, ayon kay Atty. Gareth, mahirap iyon i-establish dahil "hearsay" lamang ang kanilang akusasyon tungkol sa pagbabanta at wala silang kongkretong ebidensiya.
Nakarating na ang nasabing reklamo sa Raffy Tulfo in Action. Ito ang retired police na makikita sa isang video na kung saan may hawak na mahabang bagay para tagain ang speaker.
Isa ring balita ang nag viral na kaugnay sa kwentong ito, may nakaalitan noon ang isang kilalang vlogger na si Sachzna Laparan matapos may nakaalitan siyang pulis sa isang restaurant.
Ayon sa kwento ng vlogger, nakipag-usap sila sa manager ng nasabing restaurant para i-reserve ang katabing table dahil may mga kamag-anak silang darating na agad namang pinayagan ng manager.
Makalipas umano ang ilang oras, may couple na umupo sa sinabing reserved table para sa kaanak ni Sachzna.
“May umupo na mag couple. After they sat, the manager approached them na narinig ni mama. Maayos na nakikiusap ang manager na kung pwede ba silang lumipat ng ibang table since marami naman ng available dahil reserve na nga yung table na inupuan nila.
“Then they refused at nilapitan kami ng manager para pakiusapan na baka pwedeng sa kabilang table nalang yung darating na relative. Pumayag kami agad kase mas malaki din naman yung table na lilipatan at pwede naman kaming lumipat,” pagbabahagi ni Sachzna.
Buong akala nila ay okay na ang lahat. Ngunit, bigla na lang nilang narinig ang pagrereklamo ng couple sa kabilang mesa na nag-aastang galit.
“Nung lumapit yung isa sa mga staff nila to cater their orders.. Tinaasan sya ng boses at sinabing ‘Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko! (habang nakatingin samin) at naglabas ng bugkos ng pera sa bag at hinampas sa table,” pagpapatuloy ni Sachzna.
Nagulat na lang ang vlogger at ang pamilya nito dahil tahimik lang naman umano silang kumakain sa kanilang table.
Kaya naman, hindi na napigilan ng mommy ni Sachzna na tanungin ang kabilang table kung ano umano ang kanilang problema.
Dito, nagsalita na umano ang pulis laban sa pamilya ni Sachzna.
“Pinapalayas nyo kami! Ang babatos nyo! Pulis ako! Gaano na kayaman yan? Gusto mo bilhin ko yan?” saad ng pulis.
“Buntid kasi ako! Bakit n’yo kami pinapaalis?” singit naman ng babaeng kasama ng pulis.
Sabi naman ng vlogger, wala naman umanong nagpapaalis sa kanila.
“Takot kaming lahat kasama pa yung kapatid kong 15 years old. He was acting na as if galit sya at may binubunot sa bag nya. We were threatened na wag i-post yung mga videos na to dahil idedemanda nya kami ng CYBERCRIME.”
Kuwento pa ni Sachzna, itinago raw ng pulis ang bugkos ng pera nang magsimula silang kunan ng video ang nangyayari.
“Nung nag start na ko mag video, pinapalabas nila na kami pa ang nang bastos. Kahit wala kami sinabing kahit ano against sa kanila. Weird. Then biglang tago ng pera na hinampas nya sa table nila.”
Dagdag pa ni Sachzna, alam niyang delikado ang kanyang ginawa pero kinakailangan niya itong gawin para maprotektahan ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya.
Ayon pa sa vlogger, hindi rin daw lahat ng details ay nakuhaan nila ng vodeo ngunit sisikapin niya na makuha ang kopya ng CCTV para makita ang buong pangyayari.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment