Maraming mga halaman dito sa Pilipinas na kadalasan lamang ay nakikita o kusang tumutubo sa mga bakuran na nagtataglay ng mga napakaraming benepisyo sa katawan tulad na lamang ng ampalaya, malunggay, bayabas at ang damong ligaw na makahiya.
Ang halaman na makahiya ay karaniwan lamang pinaglalaruan ng mga bata dahil sa nakakaaliw nitong taglay na kapag hinawakan ay kusa itong titiklop.
Tinawag itong "makahiya" dahil sa nahihiya raw ito kapag may humawak sa halaman.
Gayunpaman, naging usap-usapan sa social media ang naging post ng isang netizen na si Than-Than Javier matapos niyang ibahagi ang larawan ng isang tanim na makahiya na binebenta ng $7.99 o 400 Php dito sa bansa.
Nagtaka ang netizen na si Javier sa kanyang natuklasan dahil ang naturang halaman na binebenta ng mahal sa ibang bansa ay halos hindi umano pinapansin sa Pilipinas.
Napag-alaman na ang larawan ng halaman na makahiya ay nakunan ni Javier sa isang pet shop sa bansang Canada.
"They are selling sensitive (makahiya) plant in pet shop here and it cost 7.99$ that's almost 400 pesos... damo lang sa amin yan e." ayon sa post ni Javier.
Isang netizen din ang nagbigay ng komento sa nasabing post ni Javier na sa bansang Portugal daw ay ibenebenta rin ito sa halagang 15 euros o Php 960.
Dahil sa naging post ni Javier, nagkakagulo na ang mga tao sa social media. Ang iba ay nais na rin umano magbenta nito dahil sa laki ng halaga na kanilang nakita kapag nabenta na ang nasabing halaman.
"Medicinal plant kasi yan kung hindi niyo alam kaya may halaga."
"This will happen soon enough pag naubos na sa mining ang kalikasan natin, na kahit maliit na puno worth a price na kasi wala na tayong fresh air na mahihingahan."
Napag-alaman na ang halamang makahiya ay isa palang herbal medicine na ginagamit sa paggamot sa iba't ibang karamdaman tulad ng almoranas, hika, ubo at iba pa.
Lingid sa kaalaman ng lahat, marami palang benepisyo na nabibigay ng halamang makahiya. Ngunit, hindi lamang ito pinapansin at binigyan ng halaga, dahil akala ng karamihan ay isa lamang itong ordinaryong halaman.
Simula nang pandemic, marami na ang nahumaling na mag-alaga ng mga tanim bilang pampatanggal ng stress. Maraming mga tao ang naging “plantito at plantita” dahil sa umano’y nahilig na itong mag-alaga ng mga flowering at non-flowering plants.
Kalat na kalat sa social media ang isang plantita na ipinost ng anak sa social media matapos nagulat sa pagsigaw ng kanyang ina.
Ayon sa kanya, dinig na dinig niya ang grabeng pag-iyak ng kanyang ina matapos ninakaw nitto ang kanyang mga bulaklak.
Sabi sa post ni Prince Salva (anak) may kamahalan daw ang bulaklak na iyon kung kaya’t ganun na lang ang pag-iyak ng kanyang nanay.
Ilan sa mga ito ay ang bulaklak na Pink Princess, aglaomena, Philodendron, crimson, prayer plant, monstera at marami pang iba.
Nasabi rin ng kanyang anak ang labis na pagkalungkot at hindi maintindihang pakiramdam matapos nalamang ninakaw ang mga inaalagaan niyang mga bulaklak.
Maraming mga netizen naman ang nagbigay ng kanilang komento. May iba na relate na relate sa umanong sitwasyon.
“Ako rin pinagnakawan. 19 yun lahat, sako, pati paso dinala pa. Mahal pa naman ng garden soil, paso at tsaka yung mga bulaklak.”
“Ganyan din yung nangyari sakin, tatlong beses na. Unang beses at pangalawa, binalewala ko lang. Pero yung pangatlo na, dami na ng kinuha. Dinelete ko yung mga picture dahil nalulungkot ako pag nakikita ko yun.”
“Grabe yung magnanakaw. Baka kilala mo lang po siya mam dahil kabisado siya kung ano yung nanakawin niya. Yun pa talagang mga royalties, mga may kamahalan na mga bulaklak.”
“Sakit sa pakiramdam na nakawin lang yung pinaghirapan mong diligan kada araw, lalong lalo na pag binili mo mismo yung bulaklak plus yung paso at garden soil. Ang laki ng gastos tapos nakawin lang hohoy…”
“Walang konsensya talaga yung mga tamad, hindi marunong mag-alaga ng tanim. Magnanakaw na lang para may ipagbili rin. Karma na po ang sa inyo.”
“Yan kasi pag inggitera. Gusto naman pala ng bulaklak. Di naman gagastos kaya nakadepedende nalang sa panghihingi at nakaw. Hindi plant loverr ang kumuha nyan! Magnanakaw talaga”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment