Viral ngayon sa social media ang isang lumang abstract painting na nagpapakita ng tatlong pigura na walang mukha ang bigla na lang nagkaroon ng mga mata gamit ang isang ballpen.
Ang nasa likod ng pangyayaring ito ay ang bagong security guard na nagbabantay sa isang art gallery sa Russia.
Sa ulat ni Agence France-Presse, ang sinasabing painting ay gawa umano noong 1930 na pinangalanang, "Three Figures" na obra ni Ana Leporskaya.
Ang "Three Figures" na painting ay nagkakahalaga ng US$1 milyon o katumbas ng nasa Php 50 milyon.
Ang naturang painting ay ginamit bilang display sa isang art gallery sa Russia sa Yeltsin Centre sa Yekaterinburg.
Pero noong Disyembre, nakita na lang na nagkaroon ng mga mata na sulat-ballpen ang obra na tatlong pigura na walang mukha.
Inulat ng gallery ang nasabing insidente sa pulisya, ngunit hindi umano nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya dahil itinuturing na "insignificant" ang halaga ng pinsala na aabot lamang sa 250,000 rubles o US$3,300.
Gayunpaman, naghain ng reklamo ang cultural ministry ng Russia kaya napilitan ang Yekaterinburg police na simulan na ang imbestigasyon sa nangyaring insidente na "vandalism."
Sa isang pagpupulong noong Lunes, inihayag ni Alexander Drozdov, acting director ng Yeltsin Centre, na "we were drawn by an employee of a private security company with which we have a contract."
Samantala, sinabi naman sa news website na Ura.ru ni Ana Reshektina, siyang nag-organisa ng pulong, na ito umano ang unang araw sa trabaho ng naturang guwardiya.
Base sa imbestigasyon, hindi agad malalaman kung bakit ginawa iyon ng guwardiya. Hindi agad nalaman kung bakit ginawa iyon ng sekyu.
Sa ngayon, naibalik na ang painting sa Moscow at na-restore na ang nasabing painting na "Three Figures."
Tinanggal na ang mga nakalagay na mata na nilagay ng sinasabing guwardiya ng art gallery.
Posible rin na maharap sa kaso ang gumawa ng vandalism, ang tinutukoy na guwardiya na may parusa na multa o pagkakakulong ng tatlong buwan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment