Agaw pansin nito ang post ng celebrity TV host-actress na si Toni Gonzaga kung saan ibinahagi niya ang tungkol sa kalagayan ngayon ni Alex Gonzaga.
Ayon sa report, dumalo at nagtanghal ang magkapatid sa Expo 2022 Dubai na ginanap noong Marso 3, 2022.
Matapos ang successful na Expo 2022 Dubai, ibinunyag ni Toni na na-diagnose umano ang kanyang nakababatang kapatid na may vocal cord nodules.
[Vocal nodules are hard, rough, noncancerous growths on your vocal cords. They can be as small as a pinhead or as large as a pea.]
[You get nodules from straining or overusing your voice, especially from singing, yelling, or talking loudly or for a long period of time.]
Ito ay ang mga pag lalaki o bukol na nabuo sa vocal cords ng tao. Ang mga bukol naman na ito ay nga benign o hindi cancerous.
Ngunit, ang mga vocal nodules ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng iyong boses kapag ikaw ay nagsasalita.
Maaari ka ring maging paos o garalgal. Nangyayari ito dahil pinipigilan ng mga nodules ang vocal cord na mag vibrate ng maayos.
Bago paman sila pumunta sa Dubai para sa Expo 2022, nalaman na umano nila ang masamang balita na ito.
Sa kabila man sa naging kalagayan ni Alex, maayos pa rin siyang nag perform sa Expo 2022 Dubai noong Marso 3, 2022.
Sa Instagram story ni Toni, sinabi niyang, "Proud of you sissily @cathyginzaga. She was diagnosed with vocal cord nodules before flying to Dubai but she still pulled it off for the show," caption ni Toni sa kanyang IG story.
Matatandaan, halo-halo ang mga naging reaksyon ng publiko matapos ang pag step down ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga bilang main host ng reality show na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Ito ay matapos 'ma-cancel' sa social media at punahin ng mga netizen ang pagpayag niyang maging host ng UniTeam proclamation rally noong Pebrero 8, 2022.
Marami sa mga naging kritiko ni Toni ang kumuwestyon sa ‘loyalty’ at delicadeza ng TV host-actress.
Dahil isa sa mga senatorial candidate na ipinakilala niya ay si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga gumisa sa ABS-CBN franchise renewal noong 2020.
Kung babalikan, mismong si ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director, Olivia Lamasan, ang nagsabi na malaki ang naitulong ni Toni para sa mga natanggal na empleyado simula ng nag retrench ito.
Isa si Toni Gonzaga sa mga pumayag na mabawasan ang kanilang talent fee para sa kapakanan ng iba pang mga ABS-CBN workers.
Sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Toni noong 2021, nagpaabot ng pagbati si Inang Olive sa kanya noong January 17.
Ito ay umere sa 'I Fell U' sa mismong network ng ABS-CBN.
Dito, ibinunyag ni Inang Olive na malaki ang naitulong ni Toni G. at sobra ang kanyang pasasalamat sa aktres, ang pagpayag nitong tapyasan ang kanyang talent fee.
Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema.”
“Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us.”
“Alam n’yo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, ‘di ba anak? Para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho noong inorder po ng Congress na i-shutdown kami.”
“I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo, Toni. Maraming- maraming salamat.”
“I pray that God returns your generosity a thousandfold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life,” emosyonal na pahayag ni Olive para kay Toni.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment