Labis na naantig ang puso ng mga netizen matapos makita ang ibinahaging video ng isang OFW sa social media na kung saan hinahabol siya ng kanyang alaga.
Pauwi na ang OFW na si Francine Jennifer Pascual sa Pilipinas, ngunit kitang kita niya sa kanyang alaga na away itong humiwalay sa kanya.
Kahit anong paliwanag niyang hindi ito maaaring sumama, patuloy sa pag-iyak at paghabol ang bata na siyang inaalagaan ni Francine.
Makikita sa video na labis na napamahal at napalapit kay Francine ang nasabing bata.
"Isa po akong domestic helper sa Saudi Arabia. Sa pagdating ko sa Saudi year 2017, 3 palang ang alaga ko at buntis yung amo kong babae.
'Yan yung batang babae na umiiyak halus paglabas niyan ako ang ng aruga. Tumatabi sa pagtulog hanggang sa lumaki, nabuntis uli ung nanay nila.
"Kaya noong time na tapos na kontrata ko hindi ako makauwi kasi iniisip ko sitwasyon ng madam ko. Kaya napa-extend ako hanggang sa umabot ng 5yrs ako na walang uwian."
"Hindi iba ang trato ng mga amo ko sa'kin halos anak lng at kapatid, kaya ganyan ako kamahal ng alaga ko kahit ini-explain ko na sa kanya na bawal sya sumama skin dahil iiyak yung parents niya wala syang pakialam sabi nya.
Expect niya talaga sasama siya sakin umuwi ng Pinas kaya ganyan nalang siya magwala nang pumasok na ako hanggang ngaun ansakit."
Naikwento rin ni Francine ang kabutihan ng pamilya ng kanyang amo. Swerte umano siya sa pamilya ng kanyang amo dahil siya ay mapagmahal at mababait.
Sa kabilang banda, maraming mga netizen ang naantig ang kanilang mga puso sa isa pang kwentong OFW matapos ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang kwento tungkol sa experience niya sa kanyang amo.
Ayon sa OFW na si Cristy Gaudiano, labis na nakakamangha ang kabaitan ng kanyang amo sa kanya. Itinuturing na umano siyang parte ng pamilya ng kanyang amo.
Kwento ni Cristy, pagdating pa lang niya sa Taiwan ay de aircon umano ang kanyang kwarto at bukod pa dito, may sarili pa siyang kusina.
Dagdag pa ni Cristy, mula nang dumating siya sa Taiwan para magtrabaho, labis na kabaitan na daw ang ipinakita sa kanya ng kanyang amo.
Kasabay din siya ng amo na kumain sa hapag at hindi na talaga iba ang turing sa kanya. Ipinamimili siya nito ng mga gamit, damit at maging 24K na alahas.
Sa tuwing mag go-grocery daw sila ng kanyang amo, minsan nga raw ay mas marami pa ang binibili para kay Cristy.
Madalas, kapag sila ay lumalabas, si Cristy pa umano ang namimili kung saan sila kakain, at kahit pa "eat-all-you-can" ang mapili ni Cristy, wala raw umanong problema ang kanyang amo.
Nang nagkasakit ang kanyang amo, mas iniisip pa rin ang kalagayan ni Cristy, kung nakakain ba ito ng sakto kaysa sa kanyang sariling kalagayan.
Kaya naman masasabi ni Cristy na napakaswerte niya sa kanyang naging amo na 'grandma' na ang turing din niya.
"Thank you for all the memories that we have together. I love you and You always stay in my heart. Thank you of Being such a 100% VERY GOOD LADY BOSS and a grandmother to me. For me you are the best boss i know," mensahe ni Cristy para sa kanyang amo.
Marami sa ating mga kababayan ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para maitaguyod ang pamilya at ang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Ngunit, dahil sa pandemya, ilang mga OFWs ang umuwi dito sa Pilipinas na hindi na nakabalik dahil sa mga striktong patakaran na ipinatupad ng gobyerno.
May iba ring mga OFWs ang sabik na sabik ng makauwi dito sa Pilipinas dahil sa nais na nilang makapiling muli ang kanilang pamilya. Ngunit, kahit marami ang gustong makauwi, may iba na sinusubok talaga ng panahon.
Kung may mga mapalad na mga OFWs na nakikipagsapalaran sa ibang bansa at nakahanap ng mabait na amo, iilan din sa ating mga kababayan ang nagdusa at labis na pinahirapan ng kanilang mga amo.
Sa kwentong kagaya kay Cristy at Francine, masasabi natin na iba-iba talaga ang tadhana ng bawat tao. May mga tao na swerte sa amo na kanilang pinagtatrabahuhan ngayon, at may iba rin na nangarap na lang na sana hindi na lang sila nangibang bansa.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment