Tuesday, March 22, 2022

Bride na Bagong Kasal, Na-scam Umano Daw ng P4,000 Kanilang Wedding Decorator! 'Trapal ang ginamit…"


Maituturing na isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ng tao ay ang araw na kung kailan ikakasal na siya sa taong pinakamamahal niya. 

Kaya nga naman, kahit magastos ang pagpapakasal, sinisikap pa rin ng mag partner na gawing memorable at espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa. 

Ngunit, hindi inakala ng babaeng nag post sa kanyang social media account sa Facebook ang resulta ng decoration para sa reception ng kanilang kasal. 

Ayon sa post ni Jennifer Tamboong, parang pinag praktisan lang umano ang decoration ng na-hire nilang wedding decorator. 

Depensa naman ng nag decorate, hindi rin umano worth it ang halagang binayad sa kanila. 

'Hindi worth it dahil 4k lang umano ang budget. Mas maganda pa siguro kung kami yung nah decorate.'

Nakakalungkot lang kasi once in a lifetime lang umano mangyari ang araw na ito sa kanilang buhay. Ngunit, nagkaganito pa na parang pinaglaruan lang sila.

Makikita sa picture, trapal umano ang ginamit ng mga decorators sa halip na tela. At parang hindi rin tapos umano ang pagde-decorate dahil parang wala lang talagang ginawang decoration sa reception area. 

Makikita rin na ang mga chairs na gamit sa reception ay hindi rin nalagyan ng mga cloth. May iba na nalagyan may iba naman na hindi. 


Dagdag pa ni Jennifer, mabuti na lang umano na nakabili siya ng 10 metros na tela at may maraming bulaklak na rosas ang dala ng mga kamag-anak ng kanyang asawa galing Calinan.

Nagamit nila ito bilang pandagdag para sa kanilang decoration. 

Sana man lang umano ay labhan nito ang petticoat na ginamit ng bride at ang suit na ginagamit din ng kanyang asawa. 

Nais iparating ni Jennifer ang post na ito sa lahat ng mga tao na may planong magpapa decorate sa nasabing mga decorator na na-hire nila.



Nawa'y di na mauulit ang sitwasyong ito gaya ng kung ano ang nangyari sa kanila. At sa mga nagtatanong umano kung sino ang mga tao sa likod nito, maaaring mag private message kay Jennifer. 

"Sa mga nag ask kung kanino ako nagpa decorate, e pm nyo lang ako para hindi mo mabiktima," aniya. 

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment