Saturday, August 20, 2022

Isang tuta ang sumunod ng isang dumaang sasakyan, nagbabakasali na siya ay ampunin ng mga ito!

Noon pa man ay talagang marami na sa atin ang nagpapatunay na ang mga aso ay “man’s best friend”. Marami ang humahanga sa kanilang pambihirang katapatan sa kanilang mga amo.

Kahit pa buhay na mismo nila ang kapalit ay hinding-hindi sila magdadalawang-isip na ialay ito para lamang sa kanila at sa kanilang pamilya. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na marami pa ring mga hayop sa ngayon ang basta na lamang iniiwanan at inaabandona ng mga taong inaakala nilang pamilya.

Hindi inaasahan ni Valia Orfanidou na makakatagpo siya ng isang tuta sa tabing-kalsada habang nagmamaneho siya ng kaniyang sasakyan sa Greece. Nang magsimula kasi siyang paandarin ang kaniyang sasakyan ay bigla na lamang may lumabas na tuta mula sa damuhan.

Nang mapansin niya ang kawawang tuta ay nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan at nagmamaneho na. Ilang sandali pa bago niya napagtanto na tila sinusundan siya nito dahil wala na itong iba pang mahihingan ng tulong.

“I immediately thought, ‘Oh no, another puppy.’ Greece has between 3 and 5 million stray dogs. The streets here are like an open admission shelter, anyone who no longer wants their dog throws him out on the street, there’s no other option,” Komento ni Valia.

Hindi na bago kay Valia ang pagre-rescue ng mga ganitong klase ng aso. Ngunit araw-araw ay nagtataka at nagtatanong pa rin siya sa kaniyang sarili kung paano nga ba nagagawa ng iba ang abandonahin ang kanilang mga alagang hayop nang ganun-ganun na lamang.


“When I stopped, he hid under the wheels of the vehicle. Every time I approached, he would hide, and when I went a few steps back, he would come out of hiding and bark at me like I was trying to say something,” Dagdag pa niya.

Makalipas ang sampung minuto ay nagawa na niyang kuhanin ang tuta at ilagay sa bandang likuran ng kaniyang sasakyan. Dito na walang tigil na nagkakawag ng kaniyang buntot ang tuta na tila ba labis ang pasasalamat dahil sa wakas ay mayroon na ring nagligtas sa kaniya.


No comments:

Post a Comment