Tuesday, August 16, 2022

Isang matapang na pulis ang nagligtas sa aso na ito mula sa lumalagablab na apoy!

Marami na tayong nababalitaan ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo. Mayroong magagandang balita, mayroon din namang mga balita tungkol sa giyera o di kaya naman ay sa pagtaas ng mga bilihin at iba pang produkto.

Sa kabila ng mga balitang ito ay mayroon pa rin namang mga pambihira at nakakamanghang balita ng kabayanihan. Halimbawa na lamang ang pagliligtas na ito ng isang pulis sa isang aso mula sa tiyak na kapahamakan.

Nakakalungkot malaman na maraming mga tao ngayon ang basta na lamang iniiwanan o inaabandona ang kanilang mga alagang hayop. Hindi nila batid ang hirap na daranasin ng mga alaga nilang ito sa bangketa o kalsada kung saan nila sila iiwanan.

Buti na lamang at mayroon pa din palang iilan na mayroong pagmamalasakit sa mga hayop na ito. Tulad na lamang ng isang pulis na ito na nakuhanan ng video.

Isang Mexican police officer ang inuulan ngayon ng papuri mula sa publiko dahil sa katapangan na kaniyang ipinamalas. Hindi niya alintana ang panganib na kaniyang susuungin, mailigtas lamang ang kawawang aso.


Ang Mexico’s Federal Police ang mismong nagbahagi ng video na ito online.

“When doing our work we are faced with different challenges, always aimed at protecting life.” Pahayag nila sa kanilang Facebook page.

Wala nang iba pang impormasyon tungkol sa naturang video ngunit marami talaga sa mga kapulisan ang malapit sa mga aso lalo na at madalas talagang gumagamit ang Mexican Federal Police ng mga “drug detection dogs” upang labanan ang mga “Mexican drug cartels”. Isang halimbawa na ang golden retriever na si Simon na minsan nang naitampok sa kanilang social media account.

$bp(“Brid_49209957”, {“id”:”16989″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”987240″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Tunay nga na marami pa rin sa ngayon ang mga inaabandonang hayop sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sana ay mas mabigyan pa ng kahalagahan at importansiya ang mga hayop na ito na madalas ay nababalewala na lamang ng pamilyang kanilang inaasahan na mag-iingat at mangangalaga sa kanila.


No comments:

Post a Comment