Tuesday, August 16, 2022

Isang French bulldog na mabait na naghihintay sa kaniyang amo sa labas ng kanilang cafeteria, hinahangaan ngayon at kinagigiliwan ng publiko!

Hindi maipagkakaila na talaga namang napaka-cute ng mga aso hindi ba? Ngunit aminin man natin o hindi madalas ay hindi talaga maiiwasan ang pagiging sobrang kulit nila lalo na kung sila ay nasal abas.

Ngunit tila iba yata ang mabait na French bulldog na ito na nakilala bilang si Max. Marami nang opisina sa Silicon Valley ang nagpapatupad ng kanilang “dog-friendly policies”.

Pinahihintulutan nila ang kanilang mga empleyado na dalhin ang kanilang mga alagang aso sa opisina. Ngunit upang mailagay sa ayos ang lahat at hindi rin maging abala sa ibang mga tao ang mga alagang aso ay hindi nila ito maaaring ipasok sa kanilang cafeteria.

Isang magandang halimbawa ang empleyado na si Jenn. Dinala niya ang kaniyang aso na si Max sa kanilang opisina at nang kinailangan na niyang bumili ng kape sa kanilang cafeteria ay iniwanan niya sandali si Max sa labas.

Naroroon din naman ang isa pang empleyado ng kompanya na si Jasmine Schofield na nakakita sa cute na asong si Max. Kinuhanan niya ito ng larawan dahil sa kinagiliwan niya ang mabait na paghihintay nito sa kaniyang amo.

Ibinahagi rin niya ang larawan ni Max sa social media.

“We can all learn from Max that patience is key. Being such a good boy he got extra treats today and he’s the love of the office,” Pahayag ni Jasmine na nilinaw din namang mabilis lang na bumili ng kape ang amo ni Max kung kaya naman hindi ito naghintay nang matagal.


Talaga namang nakakamangha ang mga ganitong klase ng aso tulad ni Max. Marahil marami din sa atin ang nagnanais na magkaroon nito ngunit huwag sana nating kalilimutan na kailangan din nating paglaanan ng panahon at oras ang ating mga alagang hayop.

Maaaring maging abala tayo sa trabaho at sa marami pang bagay ngunit para sa ating mga alaga ay sa atin lamang sila nagiging komportable dahil pamilya ang turing nila sa atin.


No comments:

Post a Comment