Kamakailan ay ipinalabas ang istorya ng isang bulag na lolo na matiyagang nagkokopra at nagbabalat ng niyog sa edad na 69-taong gulang sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Kinilala ang bulag na lolo na si Lolo Mano na mag-isang namumuhay sa kanyang tahanan kaya naman naghahanap-buhay pa rin siya sa kabila ng kanyang kapånsanan.
Sa episode na ito ay makikitakung paano nilalakad ni Lolo Mano ang lubak-lubak, mabato at maputik na daan habang wala siyang suot na tsinelas o kahit na anong proteksyon sa paa para lamang makarating sa kanyang pagkokoprahan.
P300 umano ang kinikita niya sa pagkokopra. Nag-iisa lamang si Lolo Mano sa buhay kaya naman siya ang nagluluto at naglalaba ng kanyang mga damit kapag may natitira pa itong lakas galing sa pagkokopra.
Ayon sa kwento ni Lolo Mano, hindi umano naging madali ang kanyang buhay. Normal naman umano ang kanyang paningin noon ngunit nang siya ay nagka-tigdås noong siya ay edad 3-anyos pa ay nagsimula na umanong lumabo ang kanyang mga mata. Kaya naman, hindi na siya nakapag-aral.
Nang siya ay tumuntong sa edad na 12-taong gulang ay tuluyan ng nawala ang kanyang paningin. Dahil sa kakulangang pinansyal, sa albulary0 na lamang siya ipinagamot ng kanyang magulang. Nang tumuntong naman siya ng 40-anyos, una at huling beses siyang nakapagpatingin sa doktor.
Ayon sa doktor, may pag-asa pa umanong makakita si Lolo Mano ngunit dahil sa kahiråpan ay wala silang pang bayad. Masyado umanong malaki ang gastos at kinakalangang pera na nagkakahalaga ng P7,000.00.
Lalo pang nagdilim ang kanyang buhay nang mapag-bintangan siya ng kanyang bayaw na pinagsamantå1ahan umano niya ang anak nito kaya naman ipinakul0ng niya si Lolo Mano. Sa kabuting palad ay nakalaya din Lolo Mano dahil walang nakitang ebedensyå ang mga pulis tungkol sa ibinibintang sa kanya.
Nang uuwi na siya ay hindi naman tinanggap si lolo Mano at pinalayas ito ng kanyang kapatid dahil sa nangyari. Mabuti na lamang ay may kumupop sa kanya, at ito ay ang kanyang apo sa pamangkin. Binigyan siya nito ng sarili niyang matitirahan dahil ayaw umanong sumama sa kanila ni Lolo Mano.
Sa hiråp ng buhay ni Lolo Mano ay tanging pagtugtog na lamang ng gitara ang kinaliligaya nito. Nag-abot naman ng tulong ang programang Kapuso Mo, Jessica Sojo kay Lolo Mano at ipinagawa ang sira-sira niyang kubo at binigyan pa siya ng bagong gitara.
No comments:
Post a Comment