Friday, September 9, 2022

Isang seaman ang pumanaw sa loob ng barko habang duty;"Umaga palang nag sabi na siya na masama ang pakiramdam niya"



Isang nakakalungkot na pangyayari ang sinapit ng isang Pinoy habang nag ta-trabaho sa loob ng barko, aniya ng isa sa kanyang katrabaho

Umaga palamang ay nagsabi na ito na medyo hindi maganda ang kanyang pakiramdam, at sinabihan siya ng kapwa katrabaho na kung maari ay magpahinga nalamang.



Ngunit ikinibit balikat lamang ito ng marino dahil aniya ay kailangan niyang magsipag sa trabaho nang sa gayon ay mayroon siyang maipapadala sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Ang trabaho ng marino ay isang Fiiter sa loob ng barko ang trabaho ng isang fitter ay ang siyang nagkukumpuni ng makina na kung saan dito ay sobrang init kung sasabay pa ang init ng panahon ay doble ang init sa loob ng makina.



Habang nag kukumpuni ang marino ay biglaan nalamang itong bumagsak at agad na nawalan ng malay, agad itong tinulungan ng kapwa fitter at tumawag ng rescue ngunit huli na ang lahat dahil wala nang buhay ang marino.

Narito ang buong post:

N4am4tay yung Fitter namin ngayon onboard. Awareness talaga sa lahat na kapag mainit at iba na ang nararamdaman magpahinga muna.

Nasa Freezer na siya ngayon. Sobrang nakakalungkot para sa Mga Marinong Pilipino.

Sobrang init po kasi talaga ngayon sa makina. Nag tatrabaho po sila kasama ang isa pang fitter. Bigla na lang po siyang bumagsak. Yun po ang sabi ng kasama niya sa trabaho. Nakita ko na lang po siya si ni cpr na ni kapitan. Umaga pa lang po nagsabi na siya na medyo masakit ang dib-dib niya. Hindi po namin alam kung alam na ng pamilya niya kasi baka wala kame sa posisyon para magsabi sa pamilya niya.




Baka kasi nag aalala na yun dahil ayon po sa Kasama niya sa kabina na isang fitter lagi po tumatawag sa asawa si fitter kada kape at pananghalian. Lumipas na po ang coffee time, lunch time, at dinner, nakaka awa po ang pamilya na baka wala manlang sila ka alam alam sa nangyari ng padre de pamilya nila.




Sa lahat po ng kabaro natin. Huwag kayo mahihiya magsabi sa superior ninyo kapag may nararamdamana na kayo, lalo na kapag sobrang init magpahinga muna saglit. Lalo na sa mga opisyal intindihin niyo po ang mga ratings niyo kapag nagpahinga dahil hindi buong oras ng duty nila kasama nila kayo sa trabaho kaya kung makita niyo sila na nag papahinga hayaan na lang muna lalo na kung sobrang init.







No comments:

Post a Comment