Isang 18-anyos na boksingero ang binawian ng buhay matapos mawalan ng malay sa kalagitnaan ng kanyang pagsasanay sa isang gym sa Makati City at na-scam pa ang mga donasyon na binigay sa kanila.
Habang nagsasanay si Axiel Van Dignos na 18-anyos ay nawalan ito ng malay at agad na isinugod sa ospital at na-comatose.
Si Axiel ay may medalya na flyweight division at pangarap nitong sundan ang yapak ng kanyang ama na si Mang Charlito ”Boy” Dignos na kanya ring coach.
Ayon sa ama ni Axiel ay hindi nito mawari ang kanyang nararamdaman dahil sobrang sakit na biglang nawala ang kanyang anak.
“Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasakit. Grabe, hindi ko mawari, ang sakit talaga,”- saad ni Mang Charlito.
Hindi din makapaniwala ang kapatid ni Axiel na si Charlie na bigla na lamang silang iniwan nito.
“Hindi nga po ako makapaniwala na nangyari ‘yun sa kaniya, bigla na lang iniwan niya po kami. Sobrang sakit po talaga,”- pahayag ng kapatid ni Axiel na si Charles.
Ayon sa Ospital ng Makati na pinagdalhan ni Axiel ay nagkaroon ito ng uncal herniation secondary to severe traumatic brain injury o pagdurugo sa utak na dahil ng pagkasawi nito.
Dagdag pasakit din ng kaanak ni Axiel dahil na-scam pa umano ang binigay na tulong sa kanila, ayon kay Mang Charlito ay may nanghingi sa kanya ng 6 digit number ngunit ito pala ay OTP ng kanyang online bank.
“Sabi niya [nagpadala ng mensahe], ‘Banggitin mo na lang muna ‘yung six digit number diyan sa last na message na dumating.’ ‘Yun pala ‘yung OTP… Sunod-sunod na ‘yung withdraw na P5,000, P5,000, hanggang sa umabot ng P16,000. Wala na. ‘Yung laman P16,807. Ubos-ubos talaga, simot,”- saad ni Mang Charlito sa ginawang pang i-scam sa kanya.
No comments:
Post a Comment