Monday, September 5, 2022

Isang bata ang nakatagpo ng pagmamahal sa isang aso, matapos na abandonahin siya ng kaniyang mga magulang!

Si Rommel Quemenales ay 11 taong gulang na bata mula sa Quezon City. Ang kaniyang mga magulang ay hiwalay na maliit pa lamang siya kung kaya naman hindi na niya nakasama ang mga ito.

Mayroon siyang nakatatandang kapatid na naninirahan sa katabi nilang siyudad. Sa kasamaang-palad ay namamalimos lamang siya ng pagkain dahil sa hindi na rin nito naipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Wala kasi silang pangtustos sa kanilang pag-aaral ng mga panahong iyon. Matapos silang iwanan ng kanilang mga magulang ay ninais pa rin ni Rommel na makapagtapos ng pag-aaral ngunit kinailangan niyang mag-drop out.

Matapos nito ay kumalat sa social media ang larawan niya kasama ang kaniyang aso. Umantig sa puso ng publiko ang kwento na ito ni Rommel.

Si Maria Kabs ang nakakita kay Rommel at sa kaniyang aso kung kaya agad niya itong kinuhanan ng larawan at ibinahagi sa social media. Nakita niya kasi kung paanong ang isang aso ay nagparamdam ng pagmamahal at pakikipagkaibigan sa batang si Rommel.

Ang aso na iyon ay nakilala bilang si Badgi, isang asong kalye. Dahil sa wala silang ibang tirahan at sa bangketa na lamang sila natutulog ay naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa.

Mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan na hindi sumusuko sa hamon ng buhay. Sa tuwing may makukuha o madidiskarteng pagkain si Rommel ay binibigyan niya si Badgi.

Tuwing gabi naman ay magkayakap ang dalawa bago matulog. Kahit sa gilid na lamang ng kalsada ay talagang mahimbing silang nakakatulog. Para kay Rommel, hindi siya natatakot kahit siya ay mag-isa, hindi rin ito natatakot sa mundong ito kahit gaano pa ito kalupit dahil batid niyang naririyan si Badgi para sa kaniya.

Gayundin naman si Badgi, hindi nito kailangan ang kahit anuman basta’t kasama niya ang kaniyang kaibigang si Rommel. Makalipas ang ilang linggo buhat nang kumalat ang kanilang mga larawan ay marami ang nagparating ng tulong sa kanila.

Sa ngayon ay nag-aaral nang muli si Rommel at mayroon na rin silang maayos na kinakain ni Badgi.


No comments:

Post a Comment