Sunday, September 4, 2022

98 Taong gulang na lolo, Bumiyahe ng pagkalayo-layo para lamang magpagawa ng Birth Certificate



Isang 98 taong gulang na si Tatay Alfonso Caliniahan, bumyahe galing pa sa Tagbilaran papuntang Talibon Bohol para lang magpagawa ng Birth Certificate.



Mag-isang lumakad si Tatay Alfonso mula sa kanilang barangay patungo sa kanilang lokal na pamahalaan sa Talibon at naging epektibo naman ito dahil may sapat na dokumento si Tatay Alfonso na dala.



Aniya ni Tatay alfonso umaga pa siya umalis sa kanila at pasado alas dose na nang siya'y makarating sa Talibon, dahil sa hirap na siyang makalakad at bumiyahe

Aniya naman ng netizen kung bakit siya lamang ang bumiyahe mag-isa sa pagkalayo-layo ng kanilang lugar patungo sa lokal na pamahalaan ng Talibon.



Saad naman ni Tatay Alfonso ay siya nalamang mag-isang namumuhay at tanging siya nalamang din ang nag-aasikaso sa kanyang sarili bagaman may mga anak si Tatay Alfonso ay nasa malayong lugar naman nanirahan ang mga ito.

At bibihira lamang din kung siya'y bisitahin ng mga ito, kung kaya't siya nalamang mag-isa ang bumiyahe upang kumuha ng kanyang Birth Certificate dahil malapit na siyang mag 100 na taong gulang.



Sa kanyang paniniwala kasi ay maari siyang makatanggap ng Php100,000 kung siya'y tutungtong ng 100 na taong gulang. Malaking tulong ito sa kanyang gamutan at makakabili narin siya ng pagkain, gamot. at ang iba naman ay kanyang itatabi dahil magagamit niya pa ito sa mga susunod pang mga buwan kung sakali.

Narito ang buong detalye:

KUNG PWEDI LANG PO WAG N’YO NALANG SILANG HAYAHAN BUMYAHE NA WALANG KASAMA

Isang 98 taong gulang na si Tatay Alfonso Caliniahan, bumyahe galing pa sa Tagbilaran papuntang Talibon Bohol para lang magpagawa ng Birth Certificate.

Mag-isa lang siyang kumuha ng Birth Certificate sa Lokal na Pamahalaan ng Talibon at naging epektibo rin naman ito.

Uhaw at gutom ang inabot ni Tatay matapos naglalakad sa daan at naghahanap ng tindahan upang manghingi ng pagkain. Inabotan ko rin si Tatay ng aking makakaya dahil wala rin akong ibang hawak kundi yo’n lang muna.

Pinaupo ko muna siya sa tindahan habang kumain at uminom, nag-isip rin kung ano ang aking gagawain dahil wala akong ibang maibigay kay Tatay. Puntahan natin si Tatay sa kanilang lugar para bigyan ng tulong.





No comments:

Post a Comment