Tuesday, October 11, 2022

Isang asong nakatira sa kalye, sinandal na lamang ang kaniyang ulo sa isang upuan habang naghihintay ng taong magbibigay sa kaniya ng makakain!

Maraming mga netizens ang talagang naantig sa kalagayan ng isang asong ito na marahil ay sa bangketa na lamang nakatira. Gutom na gutom na siguro ito kung kaya naman isinandal na lamang niya ang kaniyang ulo sa isang upuan habang naghihintay siyang mayroong makapansin at makapagbigay man lamang sa kaniya ng makakain.

Sa isang restawran o kainan ay namataan ang asong ito na pasensyosong naghihintay ng tutulong sa kaniya. Tiyak na napakahirap para sa naturang hayop ang makaramdam ng labis na gutom at hindi niya ito masabi sa mga taong naroroon.

Ang netizen na siya mismong nagbahagi ng post na ito ay hindi mapigilang magalit sa mga taong naroroon na nakakakita sa kawawang aso. Batid naman nila sa hitsura at kilos ng aso na talagang gutom na gutom na ito ngunit wala ni isa man lamang sa kanila ang nagnais na tulungan ang aso.

Marami ding mga netizens na nagkomento na aanhin mo pa ang iyong “5 senses” kung ganito kasimpleng mga bagay ay hindi mo malaman kung ano ang dapat at wasto mong gawin. Para naman sa iilan pang mga netizens, malaking tulong din kung magkakaroon tayo ng kaunting pagkain na dala-dala sa ating mga bag sa tuwing tayo ay umaalis o lumalabas ng bahay nang sa gayon ay maaari natin silang bigyan ng makakain kung makakakita man tayo ng mga gutom na hayop sa daan.


Nakakalungkot isipin na hindi lamang sa lugar na iyon nangyayari ang mga ganitong sitwasyon dahil tiyak naman na maging sa ibang bahagi pa ng mundo ay marami pa ring mga hayop ang nakakaranas ng matinding kalupitan at pang-aabuso mula sa ibang tao. Kung sana lamang ay mas magiging responsable ang marami sa atin at mas magiging disiplinado tayo, tiyak na kahit papano ay mababawasan ang bilang ng mga kawawang hayop na ito na madalas nating makita sa lansangan.


No comments:

Post a Comment