Naririyan ang mga pamilyang walang permanenteng tirahan, mga batang walang sapat na nutrisyon at edukasyon, at mga hayop na nagpapalaboy-laboy na lamang sa lansangan. Hindi alintana ng mga ito ang panganib sa araw-araw.
Ngunit mas higit sa mga panganib na ito ay ang katotohanan na ano man ang mangyari, dapat ay makahanap o makahagilap sila ng kanilang makakain. Halimbawa na lamang ang isang aso na ito.
Hindi batid ng mga taong naroroon kung paano natuto ang asong ito na maging magalang sa panghihingi ng pagkain sa mga taong nakakasalubong nito. Aakalain mo nga na siya ay isang turuang aso dahil sa nakakaya nitong tumayo at itaas ang kaniyang mga kamay na tila ba magalang na nanghihingi ng makakain.
Naging mabisa naman ito dahil marami din ang nagbibigay ng makakain sa pobreng aso. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa asong ito na kayang-kayang gawin ang ganitong mga “tricks”?
Kung sana ay mayroon lang pamilyang magnanais na siya ay ampunin at bigyan ng isang totoong pamilya. Pamilya na mag-aalaga at kakalinga sa kaniya.
Talagang umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang asong ito. Marami din ang nagsasabi na sana ay matulungan ito ng otoridad o di kaya naman ay ng mga pribadong organisasyon na tumutulong sa mga hayop sa kanilang lugar.
Kung kaya naman sa susunod na makakita tayo ng mga hayop sa lansangan. Sana kahit papaano ay tulungan natin sila.
Huwag na natin silang maltratuhin pa. Dahil husto na ang mga naging karanasan nila mula sa iilan na hindi rin batid ang kanilang kahalagahan sa ating komunidad at sa ating mga buhay.
Maging responsable sana tayong lahat upang hindi na sila madagdagan pa.
No comments:
Post a Comment